AT K-TOWN GRILL “WELCOME TO K-TOWN GRILL,” bati ng waitress na nakangiti kay William. Matapos saglit nitong sinulyapan sina Almira at Ginger, bago binalik sa binata ang atensyon. “Party of?” “For three, please,” ani William. Nahalata naman agad ni Ginger ang pagpapabebe ng waitress. Dios me, mukhang tinamaan agad ito kay William. Pasimpleng umusok ang ilong at tenga niya pero hindi siya nagbukas ng bibig. Paano niya ba magugustuhang maging kasintahan si William kung sobrang habulin ito ng mga lintang mukhang hitad? Baka mangulubot agad ang mukha niya at mamuti agad ang buhok niya sa selos kapag nagkataon. ‘Eh, ’di umamin ka rin!’ She shook her head when a part of her mind shrieked, ‘Inis ka lang dahil mapanlait si William, p