PINAGPATULOY NI WILLIAM ang pagsisilbi ng pagkain kay Ginger. He did it, hanggang sa makita niyang tumayo sa upuan si Elaine. It was already too late when William noticed Elaine holding a pitcher of water in her hands. Nang mapalingon siya kay Ginger ay basang-basa na ang buong mukha nito. Kung ano-ano naman ang iniisip ni Ginger habang kumakain kaya hindi nito napansin ang paglapit ni Elaine sa kaniya. Napapangiti pa siya sa mga nai-imagine nang biglang may nagbuhos sa kaniya ng tubig. Her shock triggered her and made her scream strings of nonsense things again. “Mahaderang palakang mukhang hitad!” sigaw ni Ginger sa pagkakagulat. “Dios mio! Okay ka lang ba, Anak?” Nataranta si Almira sa nangyari. Matiwasay silang kumakain nan