NAGULAT si Charie nang biglang sumulpot si Rafael sa likuran nila ni Symon. Dinalaw lang naman niya ang kapatid niya. Sumama siya kay Symon nang nalamang papunta ito roon para bisitahin ang mga hayop na nakawala umano. Nataranta siya nang biglang sinuntok ni Rafael si Symon. “Sandali!” awat niya. Hindi siya nakalapit nang gumanti ng suntok si Symon. Mabuti na lang may guwardiya na umawat sa dalawa. Dumugo ang ilong ni Rafael. Si Symon naman ay labi ang nasugat. Kinakabahan siya. Baka tuluyan nang masira ang samahan ng dalawa. Hawak ng guwardiya si Symon. Nang mapansin niya na may balak gumanti si Rafael ay nilapitan na niya ito at pinigil ang braso nito. Tiningnan siya ni Rafael. Ang namumula nitong mga mata ay bumalik sa normal. “Ano ba ang problema mo, Raf?” tanong ni Symon. Ibinali