HINDI makatulog nang maayos si Charie. Maya’t maya niyang naiisip ang tungkol kay Rafael. Kung kailan pumayag na siyang makipagkaibigan sa binata ay saka naman dumating ang panahon na pagdududahan niya ito. Naguguluhan siya. Wala pa naman siyang napapansing kahina-hinala sa mga kilos ng bawat miyembro ng sangre organization. Katunayan, ang babait ng mga ito sa kanya. Or maybe they are just pretending to got her trust. Because of Geon, he’s being anxious. She doesn’t know whose to entrust her remaining life. Ayaw niyang mamatay na walang hustisya. At least may magawa man lang sana siyang mabuti bago siya mawala. Nang hindi pa rin siya makatulog ay bumangon siya. Pumasok siya sa banyo at pinagmasdan ang kayang sarili. Hinaplos niya ang kanyang pisngi. May pagkakataon na naninilaw ang balat