Chapter 2

2845 Words
NAILIPAT na sa Sangre Academy ang pasyenteng sinalinan ng dugo. Doon na rin nag-stay si Charie. Mas komportable siya roon dahil hindi lang mga taong survivor ang naroon. Paaralan pala iyon para sa mga bampirang gustong maging mandirigma. Malaki ang academy. Mayroon ding underground manufacture company kung saan nagpa-process ng mga pagkain at essential products. Mayroon ding malawak na lupain para sa mga palay, gulay at prutas. Siguro mayroong one thousand hectares ang lupaing kinatitirikan ng establismento o mahigit pa. Nasa gitna ng malaking isla nakatirik ang gusali. Naliligiran ito ng malawak na karagatan. Naroon din ang mga laboratories, clinic at kung ano pang pasilidad. Makapangyarihan talaga ang mga bampira. Napakatalino ng ideya na bumuo ng isang community para sa mga survivor. Bukod sa mga safe houses, may mga underground facility rin sa ibang lugar na ligtas na matitirahan ng mga tao. Ang mga dinadala lang sa safe house ay ang mga taong ayaw makisama sa mga bampira at ang mga bagong dating na survivor. Nagsimula nang magtrabaho si Charie sa clinic at laboratory. Hindi lang pala si Dr. Lee ang doktor. Marami ang mga ito at may kanya-kanyang specialty. Cardiology at surgery ang linya ni Dr. Lee, o mas kilalang si Dylan. Marami pa palang mas guwapo rito. Pero napansin niya na mas maraming babae sa academy ang nahuhumaling kay Rafael. Sa tuwing ito ang pumapasok sa food center ay nakatingin lahat dito. Kasama niya sa kuwarto si Rhomz at Zae. Bagong lipat lang din ang mga ito sa academy. Workaholic siya kaya mas inuuna niya ang trabaho kaysa magliwaliw. Hinahanap ng katawan niya ang trabaho. Pagkatapos ma-check ang mga pasyente ay nagtungo sa food center si Charie. Maraming kumakain at karamihan mga estudyante. Ang mga pagkain ay isini-serve nang naka-set. Pumila siya sa hanay ng mga bata. Mabagal kasi ang usad sa hanay ng mga empleyado. Nang siya na ang susunod ay naaptingin siya sa nakangiting mukha ni Rebecca. Nabasa niya sa damit nito ang name tag. “Estudyante ka ba?” tanong nito. Hindi pa kasi siya nabibigyan ng uniporme niya. “Hindi. Nurse ako,” nakangiting turan niya. “Ay, dapat dito ka sa kabila. Priority lane kasi ang sa mga bata dahil may oras silang hinahabol. Pero since nariyan ka na, heto ang food mo,” sabi nito pero nakangiti. Tumabang ang kanyang ngiti. “Sorry,” sabi niya saka kinuha ang plato ng pagkain. Hindi niya type ang pagkain. Napansin niya na iba ang set ng pagkain para sa mga bata. Tiningnan niya ang plato ng katabi niyang si Rhomz. Mayroong grilled beef ito. Samantalang siya, puro gulay at isang hiwa lang ng breaded chicken leg. Sumama rin sa table nila si Hannah at Zae. Tahimik lang siyang kumakain kahit natatakam siya sa ulam ng mga kasama. Maya-maya ay napansin niya na nakatingin lahat sa pintuan. Ganoon din ang paglingon niya. Napadoble ang lingon niya nang mapansin ang kararating na lalaki. Matingkad ang kulay ng suot nitong pulang jacket at fitted jeans. Nakasuklay ang buhok nito patalikod. Bagong ahit ang balbas at bigute nito. He looks arrogant but cool. Nang may dalawang dipa na lang ang layo nito sa kinaroroonan nila ay saka lamang nakilala ni Charie ang lalaki. Si Rafael pala ito. Doon lang niya na-appreciate ang kaguwapuhan nito. Lalong naging mabangis ang s*x appeal nito. Lumitaw ang munting cleft chin nito na hindi niya nakita noong una niya itong nakita dahil natabunan ng balbas. “Nice look, Raf. Lalamukin ka na naman niyan,” puna ni Hannah sa lalaki. Hindi magawang yumuko ni Charie, nang sa halip na si Hannah ang tingnan ay sa kanya dumapo ang tingin ng binata. Hindi niya naituloy ang pagsubo ng pagkain dahil sa titig nito na para siyang hinihigop. Nakita niya ang pag-taas-baba ng Adam’s apple nito. “Napansin ko kasi na parang hindi lahat ng babae ay type ang lalaking may balbas,” pilyong sabi ni Rafael saka ibinaling ang tingin kay Hannah. “Ngayon mo lang ba alam? Pero kahit naman may balbas ka, charming ka pa rin,” ani ni Hannah. “Sinasabi mo lang ‘yan dahil alam mong mukha akong gorelya kapag mahaba ang balbas,” amuse na sabi ni Rafael. “Hindi naman masyado. Mas guwapo ka lang nang tatlong paligo sa kanila,” biro ni Hannah. Ang dalawang babaeng kasama niya ay parang kinikiliti. Pasimpleng sinipat ni Charie ang nakabukas na jacket ni Rafael. Wala itong damit sa loob kaya nakikita ang magubat nitong dibdib na hitik sa muscle. Kung magtatagal pa sa harapan nila ang nilalang na ito ay baka malunok niya pati kutsara. “Rafael, kailangan nating mag-report sa conference!” mamaya ay tawag ng lalaking kararating. Mabuti na lang mabilis na sumunod si Rafael sa lalaki. Nakahinga nang maluwag si Charie. Iginigiit niya sa sarili na normal lang ang ganoong pakiramdam na parang nabubulunan siya dahil sa hindi maipaliwanag na excitement. Ganoon din naman ang naramdaman niya noon kay Leeven, noong unang beses niya itong nakausap. Pero iba si Rafael, hindi pa niya ito nakakausap ay parang nabubulunan na siya.   NAKITA rin sa wakas ni Rafael si Geon. Mas matanda ng sampung taon si Geon sa daddy niya. Pero kung titingnan si Geon ay parang magkaedad lang sila. Iba talaga ang appeal ng mga kalahi ni Draculus. Mabagsik pero magagandang lahi. Isinuko sa kanila ni Geon ang mga naisalba nitong alahas mula sa templo ng mga imortal sa Russia. Pero hindi kasama roon ang singsing ni Draculus. Hindi na siya nagtataka. “Nasaan ang singsing ni Draculus?” tanong ni Dario kay Geon. “May nagnakaw sa singsing. Matagal na iyong nawawala bago pa sirain ng Libertad Organization ang templo. Si Howard ang salarin sa pagpaslang sa ibang ancient vampire,” sumbong ni Geon. Alam niya na against si Howard sa ibang plano ng sangre organization, pero nagkakaisa sila sa pagpuksa sa apocalypse. Matagal nang gustong wasakin ni Howard ang templo dahil dito madalas nagmumula ang mga pangahas na bampirang naghahasik ng kasamaan sa mundo. Ganoon din ang plano ni Dario, pero mas priority ng sangre organization ngayon ang paglutas sa virus at mapigil ang black ribbon organization sa paglaganap ng mga naiwang obra ni Dr. Dreel. Lumalawak ang sangay ng black ribbon dahil sa mga suwail na alagad ni Draculus. Dumadami ang mga ito dahil sa modern reproduction system. Si Dr. Swarz na lang ang ancient na nabubuhay na dating nagsilbi sa templo pero noong nakaraang buwan ay nabalitaan nilang namatay na ang matandang doktor. Inisa-isa ni Dario ang mga alahas. Iilan lamang sa mga pendant at singsing ang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan pero halos lahat ay lagusan lang ng mga masasamang kaluluwa. Mayroong nag-iisang pyramid pero ayon kay Dario, mahinang klase na iyon. Naubos na ang mga alahas na may malalakas na kapangyarihan dahil sa mga magnanakaw. “May ideya ka ba kung sino ang nagnakaw ng singsing ni Draculus, Geon?” tanong ni Dario sa lalaki. Umiling si Geon. “Kahit ako ang natitirang kapamilya ni Draculus, wala akong alam sa mga nangyayari sa loob ng templo dahil sa kakahanap ko kay Dr. Dreel. Bago namatay si Draculus, inutusan niya ako na hanapin si Dr. Dreel at patayin. Pero pagdating ko rito sa Pilipinas, napatay na pala siya ng anak mo,” sagot ni Geon. Hindi mabasa ni Rafael ang isip ni Geon. Magaling itong magtago ng aura. Hindi rin niya masukat kung gaano ito kalakas. He felt something suspicious in his voice. There’s a lie. Wala pa siyang nakilalang kadugo ni Draculus na mahina. Kaya sigurado siya na sa kabila ng malamyang kilos ni Geon ay may itinatago itong lakas at misteryo. Pagkatapos ng pagpupulong ay sinamahan ni Rafael si Geon sa magiging kuwarto nito. Pumayag si Dario na doon ito mag-stay sa academy habang hindi pa nakikita ang singsing ni Draculus. Si Geon ang bukod tanging nakaaalam ng katangian ng singsing. Kaya kapag nakita ang singsing ay ito ang kakatay niyon at magpaparte-parte ng kapangyarihan. Mabait naman si Geon, sa palagay niya. Hindi kasi niya mabasa ang aura nito dahil nakatago ang tunay nitong lakas. “Anak ka ni Leandro, ‘di ba?” tanong ni Geon nang makapasok na sila sa kuwarto. “Opo,” tipid niyang sagot. “Kamukha mo siya. Pero nararamdaman ko na mas malakas ka kaysa kanya. Hybrid ka ba?” anito. “Hindi ako pure hybrid. Ilang pursyento lang ang dugong mortal sa katawan ko. Sobrang lakas kasi ng dugo ni daddy at kaya nitong lusawin ang dugong mortal. Bampira rin ang nanay ko pero dati siyang tao,” kuwento niya. “Totoo pala na nasa sangre organization ang mahuhusay na doktor. Pinangarap ko noon pa na magkaanak sa isang tao. Ang kaso, hindi ako puwedeng magbigay ng cells ko.” “Bakit?” nagtatakang tanong niya. Nagduda na siya sa sinabi nito. “Naambunan ako ng lason mula sa singsing ni Draculus. Malaking pagkakamali ang pagnasa ko noon na makuha ang singsing ngunit pumasok sa katawan ko ang isa sa pinakamatapang na lasong meron ang singsing. Wala sa singsing ang lunas.” “Paano mo malalabanan ang lason?” Nakadama siya ng awa kay Geon. “Ang lason kailangang magsilang ng antidotes.” Naguguluhan siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Tinitigan siya nang mataman ni Geon. Umaasa siya na sasagutin siya nito pero nabigo siya. Nanatiling palaisipan sa kanya ang sinabi nito. “Pasensiya ka na. Alam ko’ng busy ka. Maari mo na akong iwan. Salamat sa paghatid,” sabi nito pagkuwan. Hindi na lamang siya nangulit. Matagal tumira sa Pilipinas si Geon kaya marami itong alam sa kultura. Hanggang sa pag-uwi ni Rafael ay pinag-iisipan pa rin niya ang sinabi ni Geon. Nagkulong siya sa extension ng kuwarto niya kung saan mayroon siyang sariling laboratory. Doon siya nag-aaral ng mga antidotes para sa lahat ng klase ng lason. Hindi niya natapos ang pag-aaral sa toxicology pero marami naman siyang natutunan. At saka hand-on naman sa pagtuturo sa kanya ang kanyang ama. PASADO alas-nuwebe na ng gabi pero nasa clinic pa rin si Charie. Siya na lang ang nurse na naka-duty. Wala na silang pasyente. Inaayos na lang niya ang mga gamot na kararating. Mas gusto niya ng ganoong busy siya dahil nakalilimutan niya ang kanyang problema. Ang sabi ni Leeven, isang taon ang curing time ng lason sa katawan niya. Naiinis pa rin siya sa lalaki. Naawa siya kay Leeven dahil alam niya na mauuna itong mamamatay kaysa kanya. Kahit ito ay walang maisip na ibang paraan para mamatay ang lason. Wala na rin siyang choice kundi maghintay ng panahon niya. Siguro kung nabubuhay pa ang mga magulang at kapatid niya, lalabanan niya ang lason. Pero magmula noong iniwan siya ng kanyang pamilya, nawalan na ng saysay ang buhay niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo ang luha niya dahil sa labis na pagdaramdam. Lumuklok siya sa gilid ng kama habang isa-isang isinisilid sa kahon ang mga gamot. Minsan ay natutukso siyang uminom ng sandamakmak na antibiotic para mas mapadali ang buhay niya pero parang may pumipigil sa kanya. Humahagulgol siya. Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi niya pinansin. “May namatay ba?” Kumislot siya nang marinig ang baritonong boses ng lalaki. Mabilis na pinahid niya ang luha bago nilingon ang nagsalita. Parang may bumara sa lalamunan niya nang makita niya si Rafael na nakasandig sa gilid ng pinto at nakahalukipkip habang naka-ekis ang mga paa. Tumayo siya at nagmadaling ipinasok lahat sa kahon ang gamot. Naihiwalay na niya ang dalawang banig ng antibiotic para kung hindi kakalma ang dibdib niya’y wawakasan na niya ang buhay niya. “May balak ka bang magpakamatay?” tanong nito. Namimilog ang mga matang tumitig siya rito. “W-wala, ah. Inaayos ko lang itong gamot,” balisang sagot niya. “Mabuti naman. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa walang kuwentang lalaki na nagpahirap sa ‘yo. Dito sa academy, marami kang makikilalang lalaki na pupuno sa kakulangan sa buhay mo. Magtiyaga ka lang. Huwag mong ibuhos ang panahon mo sa trabaho. Hindi naman araw-araw busy ang nurse rito. Kung gusto mong makalanghap ng ibang atmosphere, kalimutan mo ang hindi magandang nangyari sa nakaraan mo at harapin mo ang kasalukuyan. Kung mayroon ka mang problema, huwag mo itong problemahin. Ang problemahin mo ay kung paano ito malulutas. Late na, kumain ka na ba ng hapunan?” litanya ng binata. Nahimasmasan siya. Marami na siyang na-encounter na taong sinabihan siya nang ganoon. Pero walang epekto ang mga iyon dahil ang problema niya ay hindi problema ng ordinaryong tao. Biktima siya ng panlilinlang at panggagamit ng selfish na nilalang. Pero sa lahat ng nangaral sa kanya, si Rafael lang ang pinakinggan niya nang seryoso. “Paano ko kakayanin ang problema na walang lunas?” malungkot na sabi niya. Kung hindi dumating si Rafael ay baka nagbigti na siya. Wala pa siyang pinagsabihan tungkol sa problema niya. Alam niya kasi na walang maniniwala sa kanya. Ngumisi ang binata. “Walang problema na walang lunas, binibini. Kung gusto mong magpakamatay, huwag dito. Maraming halimaw ang nagugutom sa labas. Lamang tiyan ka pa,” mamaya’y sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. Hindi tuloy niya malaman kung concern ba talaga ito. Nagawa pa nitong magbiro. But deep inside, she felt relieved. “Kung halimaw lang ang makikinabang sa akin, mas mabuting hintayin ko na lang kung kailan ako mamamatay,” aniya. “Masakit na kamatayan ‘yon. Ano ba ang iniisip mo? Hindi ka mamamatay, tandaan mo ‘yan,” sabi nito saka tumayo nang tuwid at tumalikod. Sinundan niya ito ng tingin habang humahakbang. Napakasimple ng huling sinabi nito pero napakalaki ng impluwensiya niyon sa sistema niya. Biglang lumakas ang loob niya. “Tara sa canteen. Nagugutom ka ba?” pagkuwan ay yaya nito. Napasunod siya bigla kay Rafael. Maraming naguguwapuhang bampira sa food center pagdating nila. Mabilis maglakad si Rafael kaya nakabuntot siya rito. Hindi niya ito mapantayan sa paglalakad. Tahimik lang ito. Huminto siya sa bukana ng pinto nang mabaling kay Rafael ang tingin ng lahat. Parang may dumaang anghel. Biglang tumahimik. May ilang lalaki na nakatingin sa kanya. Parang inaapuyan ang katawan niya. Nagdadalawang-isip siyang pumasok. Hindi naman siya hinintay ni Rafael, sa halip ay lumapit ito sa mga kaibigan. Dumeretso na lamang siya sa counter. Lalaki rin ang nagsi-serve ng pagkain. Mukhang hindi na binata pero guwapo pa rin at makisig. Malayo pa siya’y nginitian na siya nito. “Hi! I’m Serron. Hindi dumating ang anak kong babae kaya ako muna rito. May dalawang set ng pagkain na pagpipilian,” anito. Ngumiti siya. Tiningnan niya ang dalawang set ng pagkain na nakaplato sa loob ng salaming estante. “Gusto ko ng grilled tuna with mushroom sauce. Puwedeng mag-request na lang ng seaweed soup?” aniya. “Sure. Mahilig ka ba sa seafood?” “Opo.” Inihanda na ni Serron ang pagkain niya. “Ako rin, gusto ko ng seaweed soup, Tito,” sabi ng kararating na lalaki. Tiningnan niya ito. Hindi ang lalaking nagsalita ang unang nahagip ng paningin niya kundi si Rafael na nakabuntot sa matangkad at tisoy na lalaki. Busy si Rafael sa pagbabasa ng pocket size na libro. “Hi, miss!” bati sa kanya ng lalaking katabi niya. Nataranta ang paningin niya nang mabilis na nabaling sa kanya ang tingin ni Rafael. Sa huli ay nakatitig siya sa kanyang katabi na nakangiti. “Hi! I’m Symon,” pakilala nito sa kanya. Ngumiti siya. Hindi naman nag-aalok ng kamay ang lalaki. “Heto na,” sabi ni Serron. Pagharap niya sa counter ay ini-aabot na sa kanya ni Serron ang tray ng pagkain niya. “Ako na, miss?” ani ni Symon. Nagulat siya nang agawin nito ang tray ng pagkain niya. “C-Charie po ang pangalan ko,” pagkuwa’y pakilala niya. “Po?” nanlalaki ang mga matang untag ni Symon. “You look old, Mon. Amoy lupa ka kasi,” tukso ni Rafael sa kaibigan. Tinadyakan naman ni Symon ang binti ni Rafael. Kamuntik nang matapilok ang isa. “f**k you!” singhal ni Rafael. “f**k your ass, asshole!” ganti ni Symon. “Pumuporma ka na naman. Makati ka pa sa higad!” bulyaw ni Rafael sa kasama. Ngumisi lang si Symon. “Come on, baby!” pagkuwan ay tawag sa kanya ni Symon. Hinatid nito ang pagkain niya sa bakanteng lamesa. Sumunod naman siya. “Thank you,” aniya nang makaupo siya sa silya. “No worries. Basta bagong miyembro dapat may warm welcome. Enjoy your meal,” sabi niya Symon saka siya kinindatan. Pagkuwan ay bumalik ito sa counter. Napangiti siya. Mabuti na lang may kagaya ni Symon sa lugar na iyon. Wala sa hitsura nito ang kakulitan nito. Nakikita niya ang closeness ng dalawang lalaki sa counter. Doon niya na-realize na tama si Rafael. Dapat naka-focus siya sa hinaharap para maging masaya siya. Hindi ako mamamatay, giit niya sa sarili katulad ng sinabi ni Rafael kanina. Hindi siya puwedeng mamatay na malungkot. Bata pa siya para tumigil mangarap.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD