Chapter 1

2779 Words
INILABAS ni Rafael sa kulungan si Rizor, ang alaga ng daddy niya na lion. Kasa-kasama niya ito sa tuwing gagala siya sa gubat. Ilang beses na siyang pinagbawalan ng daddy niya na ilabas si Rizor pero makulit siya. Itinatakas niya ito sa tuwing umaga. Pero bago tumaas ang sikat ng araw ay bumabalik na siya sa bahay nila. Hindi kasi siya puwedeng masikatan ng araw na mayroong 30 degree Celsius ang init pataas. Masusunog siya at maari niya iyong ikamatay. Kaunting purysiyento lang kasi ang dugong tao sa kanya dahil mahina ang dugo ng mommy niya. Pagdating nila sa gitna ng gubat sa likod lang ng bahay nila ay naramdaman niya ang kakaibang ipinapahiwatig ng hangin. Maya-maya ay dumating ang itim na ibong mensahero niya. Dumapo ito sa kaliwang braso niya. “Ano’ng balita?” tanong niya. Tiningnan siya ng ibon. Nabasa niya sa mga mata nito ang mensahe. “He’s coming,” bigkas niya ayos sa kanyang nabasa. Pagkuwa’y lumipad ang ibon. Mabilis na umiinit ang klima. Bumalik na sila ni Rizor sa bahay. Bago pa tuluyang uminit ang klima ay nagtungo na siya sa sangre academy upang iparating ang balitang nasagap niya. Sa kasalukuyang nagtitipon sa conference room ang mga leader ng organisasyon. Naroon din ang daddy niya. Biglang tumahimik ang lahat nang dumating siya. Hindi na siya umupo dahil hindi rin naman siya magtatagal. “Parating na si Geon,” sabi niya. Nagtinginan ang mga miyembro. Inilapag ni Dario ang baso nito sa lamesa. “So, totoo pala na sinakop na ng mga tauhan ni Howard ang templo ng imortal sa Russia. Kung narito si Geon para dalhin ang naisalba niyang alahas, bakit nag-iisa lang siya? Imposibleng hindi siya nasundan ng mga kawal ng templo. Maghahabol din si Howard para kunin ang singsing ni Draculus,” ani ni Dario. “Si Geon ang tanging survivor. Pero kinakabahan ako sa hakbang niya. Mukhang may masama siyang binabalak,” sabi ni Rafael. Wala siyang tiwala kay Geon dahil hindi naman niya ito kabisado. “Imposible. Si Geon ang tapat na nalalabing kaanak ni Draculus. May usapan kami na sakaling mawasak ang templo, dadalhin niya sa akin ang singsing ni Draculus,” si Dario. “Imposibleng hindi nakuha ni Howard ang singsing ni Draculus. Matagal na niya itong inaasam,” sabad naman ni Zyrus na pinakamalapit kay Dario. “May mali sa impormasyon. Matagal nang wala sa templo ng mga imortal ang singsing ni Draculus. Merong kumuha nito,” sabi naman ni Trivor na katabi ng kanyang ama sa kaliwang bahagi ng lamesa. Hanggang ngayon ay walang ideya si Rafael kung anong kapangyarihan ang taglay ng singsing ni Draculus. Hindi iyon naikuwento ng kanyang ama. “Kung merong nagnakaw ng singsing ni Draculus, posibleng ang magnanakaw na iyon ay alam kung ano ang kakayahan ng singsing. Maaring nagamit na nito iyon,” ani ni Dario. Ibig sabihin, hindi rin alam ni Dario kung ano ang laman ng singsing? Tiningnan niya ang kanyang ama. Nagulat siya nang mamataan na nakatitig ito sa kanya. His gaze was suspicious, it seems to have a hint about the latest topic that he couldn't share with anyone. “Si Geon lang ang makasasagot sa atin,” pagkuwa’y sabi ng daddy niya. Tama ang daddy niya. Kailangan niyang maging mabait kay Geon para malaman niya ang panganib na parating sa kanila. Noon pa aware ang grupo na mapanganib ang kapangyarihang taglay ng singsing ni Draculus. Si Draculus ang kauna-unahang bampira at pinakamakapangyarihan. Walang nakakaalam kung ano ang kapangyarihan ng singsing. Kailangan nilang alamin ang nangyayari sa temple ng imortal at ibang angkan ng mga bampira dahil nagkakaroon na ng lamangan. Madadamay sila sa gulo sakaling may nagnasang gamitin ang kapangyarihan ni Draculus sa kasakiman. Lahat ng tahimik na angkan ay manganganib, lalo na sila na napag-iinitan na rin ng ibang grupo dahil idinidiin sa kanila ang paglaganap ng rabi escota virus na kumakalat na rin sa ibang bansa. Dahil sa lumalang away ng mag-amang Rivas at kasamaan ni Dr. Dreel kaya nabuo ang virus. Namatay si Dr. Dreel na hindi pa nalulutas ang problema sa virus. Good thing, they currently doing the process for a clinical trial of the vaccine. Pagkatapos ng maikling pagpupulong ay kinausap ni Rafael ang daddy niya nang makarating sila sa kulungan ng mga hayop na na-rescue nila. Duda kasi siya na may alam ang daddy niya dahil naabutan nito ang ilang kaanak ni Draculus. Ang daddy kasi niya ang pinakamatanda sa lahat ng miyembro ng sangre organization. “I know you have an idea about Draculus’s ring, Dad,” sabi niya. Nagbibigay siya ng karne sa tirge. Ang daddy naman niya ay ginagamot ang sugat ng inahing tigre. Naroon sila sa loob ng kulungan ng mga ito. “Nagsilbi ako sa templo pero hindi ko naabutan si Draculus. Si Leeven ang kanang kamay noon ni Draculus bago ito namatay,” tugon ng daddy niya. “Sino si Leeven?”curious niyang tanong. “Si Leeven ay isang genetic engineer at surgeon na hybrid vampire pero expert din siya sa mga poison at antidotes. Siya ang huling nilalang na nakaalam ng huling update tungkol sa singsing.” “Pero ano ang alam mo tungkol sa singsing? Totoo ba na ito ang pinakamakapangyarihang alahas ng mga imortal?” aniya. “Oo,” diretsong sagot ni Leandro. “Higit na makapangyarihan iyon kaysa sa pendant ng mga maharlikang bampira o kahit ng mga dark blood vampire. Ang alam ko, nagtatalay ng libo-libong uri ng lason ang singsing. Hindi ko sinabi kay Dario ang tungkol sa lason dahil hindi pa ako sigurado sa ibang impromasyon. Mayroong uri ng lason ang singsing na kayang lusawin ang katawan ng mga imortal. Kapag binuksan ang bato ng singsing, maaring kumuha ng sample niyon at ihalo sa tubig. Ang tubig ay magiging lason. Kapag nainom ng mga imortal ang tubig na mayroong lason, mabilis na matutunaw ang katawan nila. Ang epekto naman ng lason sa katawan ng tao o hybrid vampire, matagal pero kumakalat. Kapag ang hybrids ay kumagat ng taong may lason, mahahawa sila. Mamamatay ang biktima depende sa lakas ng immune system nito o ng cells nito sa katawan. Pero ang karaniwang itatagal ay isang taon. Magkakataning ang buhay ng biktima,” paliwanag ni Leandro. Bumuga ng hangin si Rafael. “Itong lason ba na ito ay mayroong antidotes?” aniya. Tinitigan siya ng kanyang ama. “Meron pero naroon din sa singsing. Pero maaring mabago ang kakayahan ng singsing kapag ito’y nadurog at inihalo sa pagkain. Mayroong alak na hinaluan ng ginto na nagmula sa singsing. Pero ang alak ay hindi inilabas sa merkado. Wala akong ideya kung sino ang gumawa ng alak na iyon pero may nagpadala niyon sa templo at ikinamatay ng ilang maharlikang bampira na dumalo sa pagdiriwang noon.” “Malamang na ang gumawa ng alak na iyon ay ang nagnakaw ng singsing ni Draculus,” hula niya. “You’re right, son, that’s possible. Ang ikinakatakot ko, baka naubos na ang laman ng singsing. Kung naubos na ito at hindi na masagap ng radar, maaring naging tao na ito.” Mariing kumunot ang noo niya. “Paano iyon magiging tao?” tanong niya. “Kung naihalo na lahat sa alak ang laman ng singsing, maaring may mga tao o anong nilalang ang nakainom niyon.” “Ano ang mangyayari sa taong nakainom ng alak?” “Lahat ng lason na taglay ng singsing ay mapupunta sa taong uminom. Lahat ng likido niya sa katawan ay magiging lason. Ang lason na iyon ay maaring makahahawa kapag siya ay nakagat ng kapwa o kaya’y nasalinan ng likido mula sa katawan niya. At kapag dumating na ang panahon na hindi na kayang dalhin ng katawan niya ang lason, kusa siyang mamamatay. Ang nakatatakot nito, magiging pain itong tao sa mga bampira. Sa paraang ito ay maaring maubos ang lahi natin.” “So, paano natin malalaman na naubos na sa alak ang lason?” “Kapag wala nang makasasagap sa aura ng singsing, ibig sabihin, nagkalasug-lasog na ito o kaya’y naubos at namatay na ang nakainom nito. Pero kung buhay ang nakainom nito, masasagap natin ang aura ng singsing.” “How do we hunt that f*****g ring? Makakaya ba siyang talunin ng antidotes ko?” inis na sabi niya. “Yes you can. Pero maari kang mapahamak kapag ginamot mo ang lason.” Ngumisi siya. “Challenge accepted. I’ll find that poisonous ring,” simpatikong sabi niya. Kumislot siya nang pinisil ng daddy niya ang kanang balikat niya. “Huwag kang hangal! Wala pang katiyakan ang mga sinabi ko.” Nalaglag ang balikat niya. “Dad, kahit kailan wala kang sense kausap. Haluan mo naman ng joke para hindi ako ganito kaseryoso na naniniwala kaagad. Ang seryoso mo masyado,” angal niya. “Walang masama kung maniniwala ka.” “Saan ka ba kumukuha ng ideya?” “Kay Marco.” “Tsk. Isa pa iyong sinungaling. Basta, hahanapin ko ang singsing. Mas madali ko siyang mahanap dahil sa antidotes ko.” Pagkuwa’y iniwan na niya ang kanyang ama. Kahit mukhang hindi seryoso si Leandro sa impormasyong sinabi, sineryoso iyon ni Rafael. Malalaman naman niya kapag lason ang bagay na kaharap niya dahil mag-iinit ang mga palad niya. He’s a living antidote of all poisons. HULING flight na ng Philippines airlines papuntang Maynila dahil isasara na ang paliparan. Lahat ng pasahero ay hindi maaring sumakay ng bus. Mayroong rescue helicopter na sumusundo sa mga pasahero. Sumakay sa unang helicopter si Charie. Dadalhin daw sila sa mga safe houses dahil doon lang ang hindi naabot ng mga taong infected ng virus. Hindi na siya nagtaka dahil noong huling uwi niya sa probinsiya nila ay naglipana na ang mga halimaw na affected ng virus. Kasama na roon ang pamilya niya. Puno na ang safe houses sa Luzon kaya sa Visayas siya naisama. Napadpad sila sa Cebu. First time niyang nakarating sa lugar na iyon. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula noong naghiwalay sila ni Leeven. Pagkatapos ng isang linggong pagkakulong niya sa puder ni Leeven ay nagdesisyon siya na iwan ang lalaki. Isang buwan niyang dinala ang anak nila pero naiwala niya ang sanggol. Nakunan siya dahil sa depresyon. Nadepress siya noong nalaman na mamamatay siya pagkatapos niyang manganak. Nakuha siya ng mabulaklak na salita ni Leeven, na papakasalan siya nito at aalagaan. Pero nalaman niya na may sakit si Leeven na nakuha niya. Ang sakit na iyon ay hindi dahil sa virus, kundi hindi ordinaryong lason. “If you chose to leave me, make sure you won’t love again and make love with someone else because you would just kill them.” Naalala niyang sabi ni Leeven bago sila naghiwalay. “Go to hell, Leeven!” gigil na sabi niya habang nakahiga siya sa kama. Nasa loob na siya ng isang kuwarto ng safe house. Hindi siya komportable dahil marami siyang kasamang babae na hindi niya kilala. Karamihan sa mga ito ay may trauma pa. Nang makaramdam siya ng gutom ay lumabas siya ng kuwarto. May nakahanda nang pagkain sa mahabang lamesa. May mga nag-a-assist sa kanila para kumain. Pagtingin niya sa kanyang relong pambisig ay pasado alas-siyete na ng gabi. Siya pa lang ang lumabas para kumain. Kumuha siya ng plato saka namili ng pagkain. Mixed seafood at baked potato lang ang kinuha niya. Hindi siya kumakain ng heavy meal kapag gabi na. Inilugay niya ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon bago umupo sa bench. Wala namang lamesa para kainan kaya cowboy style ang kainan. Inaayos pa kasi ang dining area. Maya-maya ay may dumating na mga survivor. May kasamang grupo ng kalalakihan ang tatlong survivor na gusgusin na dahil siguro sa kakatago. Sanay na siya sa ganoong crisis. Nangyari rin iyon sa Taiwan, na may kumalat na virus. Pero kakaiba itong tumama sa bansa. Balita niya, nagiging zombie ang infected ng virus. Nang makapasok na ang tatlong survivor ay biglang hinimatay ang matandang lalaki. Nataranta maging ang mga rescuer. “Nurse! May nurse ba rito?” sigaw ng lalaking sumalo sa pasyente. Inilapag ni Charie ang plato sa bench saka nilapitan ang pasyente. “Nurse ako,” aniya. Ipinagkatiwala naman sa kanya ng iba ang pasyente. Pinulsuhan niya ito. Maputla ang pasyente at mahina na ang heartbeat. Maaring epekto iyon ng sobrang baba ng blood pressure nito. Inutusan niya ang mga kasama na ihiga sa mas komportaleng higaan ang pasyente. May mga aparatos ang safe house, wala lang doon ang doktor at nurse dahil sumama umano sa isang rescue operation. Kinabitan niya ng suwero ang pasyente at tiningnan ang blood pressure nito. Sobrang baba ng blood pressure nito. Maya-maya ay may dumating na doktor. May kasama itong matangkad na lalaki. Bata pa ang doktor. Guwapo at makisig. “How is he?” tanong sa kanya ng doktor. Hindi siya sumagot. Ibinigay lang niya rito ang record ng pasyente na isinulat niya sa pinunit na karton. Kanina pa kasi umaagaw sa atensiyon niya ang lalaking kasama ng doktor. Parang hinihila siya nito para tingnan ito. Nakasuot ito ng bughaw na jacket at puting panloob. Itim na denim at itim na sapatos ang suot nito sa ibabang bahagi. Abuhin ang buhok nito na may isang pulgada ang haba na parang kabababa ng helicopter dahil nasitayuan ang hibla ng buhok. Hindi siya naguguwapuhan sa unang tingin dito. Mas guwapo ang doktor na kasama nito. Pero ramdam niya ang lakas ng s*x appeal nito. May kasungitan kasi ang hilatsa ng mukha nito. Iba kasi ang standard niya sa guwapong lalaki. O baka naman natabunan lang ang kaguwapuhan nito dahil sa kumakapal na balbas at bigute. Na-attract lang siya sa mga mata nito na mayroong sky blue eyeballs. Katamtaman ang kaputian ng balat nito na makinis at mamula-mula. Latino ang beauty kaya siguro hindi siya kaagad naakit. Mas attracted siya sa mga singkit. Pero mukhang magbabago ang standard niya dahil parang sumpa na kailangan niyang tingnan ang kabuuan ng lalaki. He looks gorgeous and hot. Kung tumitig pa sa kanya ay parang gusto siyang higupin palapit dito. Enough, Charie! Nakalimutan mo na ba na hindi ka puwedeng magmahal? Saway ng isip niya. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Pagkuwa’y itinuon niya ang tingin sa doktor na nag-aasikaso sa pasyente. “Dalhin na natin siya sa academy para mas madali siyang ma-monitor. Kulang ang mga gamot dito,” pagkuwan ay sabi ni Dr. Lee. Nabasa niya ang name tag nito sa white coat nito. “Okay, Doc,” aniya. “So, you’re a nurse, right?” sabi ng doktor. “Yes. Actually, I’m just arrived from Taiwan,” tugon niya. “Good news. We need more nurses. Do you want to work with us?” pagkuwa’y tanong ni Dr. Lee. “Hm.” Nagdalawang-isip pa siya. Hindi siya nakatiis, napatingin na naman siya sa nilalang na nakamasid sa kanila sa bukana ng pinto. Napako ang tingin niya rito nang mapansing kumagat-labi ito habang titig na titig sa kanya. Nilinis niya ang kanyang lalamunan nang pakiramdam niya’y may nakabara rito. “Boring dito,” mamaya ay sabi ng lalaking nakamasid. Napalunok siya. “Ramdam ko nga. What about in your academy?” aniya. “Bored but if you love to explore, you will find some friends,” sabi ng lalaki. “What about vampires?” Balita kasi niya, mga bampira ang tumutulong sa mga tao para makaligtas sa kamay ng mga halimaw. Noong una ay natatakot siya, pero nang malaman ang tunay na pakay ng mga ito ay napanatag na rin siya. “We are vampires too. We’re hybrids. May dugo kaming tao,” sagot ng lalaki. Sandali siyang natigilan. May ilang segundo bago niya natanggap sa sistema ang sinabi nito. “Nice. I’ll work with you, Doc,” aniya sa akalang doktor din ang isang ito. “Anyway, I’m Rafael. I’m not a doctor but I studied biology,” pakilala nito. “Ah, okay. That’s good for you. Just call me Charie,” pakilala naman niya. Siya pa ang unang nag-alok ng kanang kamay sa lalaki. Nakangiting dinaup ni Rafael ang kamay niya. Nang pisilin nito ang palad niya ay nagtataka siya bakit ito biglang natigilan. Napalis ang ngiti nito. Mariing kumunot ang noo nito. Napatingin sa kanila si Dr. Lee. Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Mabilis na binawi niya ang kanyang kamay na hawak ni Rafael. Hindi siya komportable sa naging reaksiyon nito, na parang may naramdamang hindi maganda sa kamay niya. Inasikaso na lamang niya ang pasyente na ililipat nila sa academy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD