“Let’s start...” anang malabing na tinig ng babae sa malaking screen, na ikinalingon ni Caleb. Let’s start... Paulit-ulit na nag-e-echo sa tainga niya. Papalapit siya noon sa silyang nakalaan para sa kan’ya. Mayamaya ay nagsalita ulit ang babae sa screen. This time gumamit na ito ng voice changer application. Lalaki na ang lumalabas na tinig nito. Hindi na iyon ang boses na narinig niya kanina. Parang bang gusto niyang marinig ulit ang malambing na boses na iyon. Ito ang pangalawang beses na a-attend siya ng shareholder meeting ng Narvaez Energy Corporation. Siya ang acting COO sa kompanya na pagmamay-ari ng kan’yang biyenang si Donato Narvaez. Isang taon din siya nitong niligawan bago tanggapin ang position. Abala umano ito sa anak at apo nito. Kaya kailangan nito ng katulong. Walang

