Alas-kuatro ng madaling araw ng mapagpasiyahan ni Caleb na iwan si Dominique. Mahimbing ang tulog nito. Sobrang pinagod niya ang dalaga kaya napangiti siya. Hinalikan niya ito sa noo bago umalis ng bahay. Tinext niya kanina si Sebastian na magpadala ng tauhan sa labas ng kanilang bahay. Nakita niya ang mga ito ng umalis siya. Maging si Jess ay tinawagan niya din. Dahil paniguradong hahanapin siya ng dalaga pag-gising. Magaling si Jess magpalusot. Ayaw niyang malaman ni Dominique ang gagawin. Sigurado siyang magagalit ito sa kan’ya. Kailangan niyang pigilan si Camila sa kung ano man ang balak nito. Umalis ito ng bansa kahapon, ayon sa source ni Sebastian. Napag-alaman din niya kay Axel na konektado si Camila sa mga drug lord dito sa Pilipinas. Ang laki ng respeto niya dito noon dahil ito

