GLAIZA "Rhian." mahinang bigkas ko na lang sa pangalan nya. Naramdaman ko na lang na tinapik ako sa balikat nila Chynna bago sila umalis sa rooftop. Alam kasi nilang kailangan muna naming mag-usap ni Rhian. "Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong nya habang tinatanggal yung ginawa nyang designs sa rooftop. "G-gusto ko lang sanang magsorry sa---" "Na naman? Pang-ilan na ba yan Glaiza?Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakasabi nyan? Kasi ako, sawang-sawa na." seryosong sabi pa rin nya na di pa rin tumitingin sa akin. "Sorry kung nakalimutan ko yung usapan natin." mahinang sabi ko sa kanya. Ewan ko ba, parang feeling ko kasi, hindi maganda yung kakalabasan ng pag-uusap na 'to. "May bago ba don? Wala naman diba? Minsan pala nakakamanhid din yung sakit." cold pa rin yung boses nya. "May s