GLAIZA "Miss mo na?" narinig kong tanong sa akin ni Chynna habang nandito kami sa condo ko. After kasi nung nangyari sa amin Rhian, hindi na talaga kami nag-usap pa ulit. Kailangan kong irespeto yung gusto nya eh. Gustung-gusto ko syang puntahan pero hindi pwede eh. Tapos binlock na rin nya yung number ko kaya hindi ko na sya matext at matawagan. Masakit sa akin kaso eto yung gusto nya kaya wala akong magagawa. "Sobra Chyns. Sobra-sobra." mahinang sagot ko dahil hindi ko na naman mapigilan na hindi maiyak. Ewan ko ba, pagdating kay Rhian, ang baba ng luha ko. Kapag napapanood ko sya sa tv, and nakikita yung mga ngiti nya, hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi mapaluha. Namimiss ko kasi yung mga ngiting yon eh. Miss na miss ko na sya. "Hayaan mo na lang muna sya Tsong. Nangako ka sa