(FLASHBACK…) Papasok na sana si Blythe sa isang clothes store nang makita niya si Evron na nasa loob. Nagtaka siya kung ano ang ginagawa ni Evron sa lugar na ‘yon. Nakangiti siyang lalapit rito, pero agad na nawala ang ngiti niya nang may lumapit kay Evron na babae at yumakap sa braso nito. May sinabi ang babae kay Evron at nagtawanan ang dalawa. Then Evron patted the woman’s head as if it were the most natural thing to do. Blythe felt a sting of pain in her chest as she watched Evron being sweet to another woman. Sa nakikita niya, parang magkasintahan ang dalawa. Hinahayaan naman ni Evron na yumakap sa braso nito ang babae. And he even picked the best clothes for her. So, Evron was cheating on her and lying to her all this time. Imbes na komprontahin ang dalawa, inilabas niya

