Kabanata 22 “Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong sa akin ni mama nang makapasok siya sa kwarto ko. Maaga siyang gumising para tulungan ako sa paghahanda para sa company outing namin. Madaling araw kasi kami aalis, isang bagay na ‘di ko maintindihan dahil pwede namang hapon o ‘di kaya’y mga alas-otso nang umaga. Hindi naman kasi lahat ng tao ay kayang gumising nang alas-tre—kagaya ko. “Yes, ‘ma, pero antok na antok pa rin talaga ako,” sagot ko sa kanya sabay higa sa kama. “Ilang oras lang ang tulog ko,” maktol ko sabay yakap sa unan. “Pagtitimpla kita ng kape,” sabi niya sa akin. “At bawiin mo lang ang tulog mo sa biyahe,” dagdag niya sabay hila sa kamay ko. “Sige na, bumangon ka na riyan at baka maiwan ka pa ng sasakyan.” Wala akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi ni mama. Saba

