Kabanata 13 Nakatitig lang ako sa cellphone ko at naghihintay ng reply mula kay uncle. Tinanong ko kasi siya kung nasaan na siya dahil kanina pa tapos magluto si mama ng mga pagkain. We decided to invite him to a dinner, and this is to appreciate what he did for me days ago. Laking pasasalamat ni mama at papa na nandoon si uncle at hindi hinayaang may mangyaring masama sa akin. “Pen, nasaan na raw ang uncle mo?” tanong sa akin ni mama na nakapag-ayos na rin. “Lalamig na ang pagkain. Si papa mo ay pauwi na rin. Ilang saglit lang ay darating na ‘yon.” “Hindi pa po nagre-reply, ‘ma, eh,” sagot ko bago muling tiningnan ang cellphone ko. “Tawagan mo na lang kaya?” suhestiyon ko sa kanya. “Ikaw na lang ang tumawag sa kanya. May gagawin pa pala ako,” aniya at mabilis na tumayo at nagtungo sa

