Kabanata 3
"Oh anong nangyari sayo? Nagpunta ka lang sa labas nagtransform ka nang bakekang?" Hindi pa nakuntento si Katastrophe lumapit pa siya sakin at saka ako pinagtaasan ng kilay. Tinaasan ko naman siya ng kilay at hindi nalang pinansin.
Malamang, sa malamang kapag sinabi ko sa kanyang pinangalan lang naman sakin ng gagong Justin na yong aso niyang cute na cute sa haba ba naman ng tenga, sarap panggigilan nung tenga sayang kaso buwist! Buwisit talaga! Ano bang problema niya at sakin niya pa pinangalan yong aso niya? Nang-aasar ba siya? O baka naman mukha akong aso sa paningin niya kaya nung nagkaaso siya eh sinunod yong pangalan.
Teka nga lang – naalala ko noon ayaw naman niya sa aso ah? Anong nangyari? Bakit my aso na siya ngayon? Sa bagay people change! Nang makita ko namang nakaready na pala yong almusal namin ni Katastrophe nagdiretso nalang ako sa mesa at halos kainin ko na lahat ng luto niya kundi lang siya nagreklamo na kaunti nalang pala yong natirang almusal para sa kanya.
Pagpasok ko naman sa office agad na napakunot yong noo ko ng makadinig ako ng lagaslas ng tubig. Alam niyo yong tunog na parang my nagshoshower? Ganun yong nadidinig ko eh. Agad namang nagpanic yong kalooban ko ng my bigla akong marealized.
Baka naman my tubo ng tubig na bigla nalang sumabog sa loob ng office ni Justin! Kahit naman badtrip na badtrip ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsunod sa pangalan ko, sa pangalan ng aso niya. My trabaho pa din akong kailangan gawin!
Maaga-aga akong pumasok ngayon sa office kasi pinaulit-ulit na bilin sakin kahapon ni Mr. Thompson na bawal akong malate. Yong late ko daw kahapon ay yon na ang first at last. Kaya naman walang pagdadalawang isip kung pinasok yong loob ng office ni Justin.
Mahirap na ano, paano nalang kung my mahahalagang documents na pala doon ang nabasa na ng tubig dahil sa tubong naputol, diba? Nang tuluyan ko ng mapasok yong loob ng office niya wala naman akong nakitang basa. Lumapit pa nga ako sa working table niya at ganun nalang ang pagngiwi ko ng makita ang sandamakmak na papeles na kailangan niyang basahin at iapprove.
Chineck kung mabuti kung nandito bas a mismong office niya yong tubig na tumatagas pero mukhang wala naman. Inikot ko pa yong paningin ko sa kabouan ng office kasi naririnig ko pa din yong lagaslas ng tubig hanggang sa mahagip ng paningin ko yong pinto na nasa kanang bahagi ng office niya sa pinakadulong parte.
Hindi mo yon agad mapapansin kasi, kakulay ng pintura ng wall ng office niya yong pinto pati na din yong handle. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit dito, at saka ko dinikit yong tenga ko sa pinto at don ko nadinig yong lagaslas ng tubig.
Okay lang naman siguro kay Justin na pasukin ko yong banyo niya diba? Total ay wala pa naman siya dito at saka for work purposes naman 'to eh! Kaya naman walang pag-aalinlangan kung hinawakan yong doorknob at buti nalang hindi nakalocked kaya pinihit ko na 'to pabukas at ng tuluyan ko na 'tong mabuksan don ko nga nakumpirma na dito galing yong lagaslas ng tubig.
"D ang!" / "Aaaahhh!" Agad naman akong napatili habang napamura naman si Justin. Naitakip ko din yong isa kung kamay sa mga mata ko pero fill in the blanks naman ang peg kasi nakikita ko pa din yong hubad na katawan ni Justin! My gawd!
Ang hot naman ng kupal na 'to! Ang sexy ng legs, mamuscle-muscle tapos ang daming balbon at halatang maputi yong legs niya! Samantalang sakin, light brown lang yong legs ko, ingit tuloy ako sa skin color niya. Huhu! Unti-unti pang tumaas yong tingin ko at huli na si Justin ng sabihin niya sakin'g –
"Don't look!" – pero nakita ko na yong –
"Ayy! Sawa!" Sa gulat ko pa napatalon effect pa ako at napatitig muli don sa sawa ni Justin. Kasing taba ng mushroom, pero higanting mushroom naman yong size, kamukhang-kamukha ng mushroom yong ulo niya. Urgh! Hindi ko magawa-gawa ng maayus yong trabaho ko kasi hindi mawala-wala sa isip ko yong maputing mushroom ni Justin!
Pakiramdam ko ay pwede na akong pumasa bilang tinder ng mushroom este kamatis! Ramdam na ramdam ko kasi yong pag-iinit ng pisngi ko at sure na sure akong pulang-pula 'to ngayon.
Mabuti nalang at after ng nakakahiyang scene na yon kasama si Justin, hindi na siya lumabas ng office niya. Wala din siyang utos sakin kaya ginawa ko nalang yong trabaho ko bilang secretary niya, taga sagot ng mga tawag then magbooked ng appointment at iemail sakanya yong schedule niya.
Bandang eleven AM bigla nalang nagbukas yong pinto ng office ni Justin kaya naman napatuwid ako mula sa pagkakaupo. Himala at lumabas siya ng office niya ng ganitong oras. Ano kayang meron? Agad ko namang naramdaman yong pamumula ng pisngi at tenga ko ng magkasalubong yong mga tingin namin.
Buong akala ko my pupuntahan siyang iba, na laking pasasalamat ko sana. Syempre, sa tuwing makikita ko siya naalala ko yong awkward moment namin kanina! Tapos eto na naman yong imagine ng giant mushroom niya sa isip ko. Sunod-sunod pa nga akong napalunok ng bumaling yong tingin ko sa gitna ng mga legs niya, hindi pa nga din sana ako mag-iiwas ng tingin kung di ko pa nadinig yong sunod-sunod pagtikhim.
Pasimple ko namang inalis yong tingin ko sa gitna ng mga hita niya at pilit na binaling 'to sa mukha niya kaso t angina! Ngayong nakatingin ako sa ukha niya ibang bagay naman naiimagine ko! Kami ni Justin sa loob ng isang kwarto at –
"D amn! Joanna, will you f ucking stop day dreaming of me? Its working hours." Maautoridad na utos sakin ni Justin. Nagkanda haba-haba naman yong nguso ko sa sinabi niya.
Kundi ko pa nga nakagat yong pang-ibabang labi ko ay baka hindi ko na napigilan yong sarili kung itanong sa kanya kung paano niya alam na nagdedaydreaming ako sa kanya? Agad naman akong umiling-iling at saka kao nag-iwas ng tingin sa kanya tapos ay sumagot.
"Take your things, we're going to visit Site four." Sabi niya sakin at ng muli ko siyang tignan nakatalikod na siya sakin habang naglalakad palabas ng office. Site four? San naman yon? Hay ewan, makasunod na nga lang at baka iwan pa ako ng mokong na yon!
Muli na naman akong nakasakay sa kotse ni Justin at tulad kahapon ay sa shotgun seat na naman niya ako pinaupo bago nga kami tuluyang makaalis ng Smith House nakatikim pa ako ng sermon sa kanya kasi naman buong akala ko sa passenger seat ako sasakay sa my likuran.
"What the f uck Joanna! I am not your gooddam n driver! Move out your pretty a$s there and seat here!" At saka niya tinuro yong shutgun seat. Kaya naman ngayon nasa daan kami papunta sa Site four kung san mang lumalop yan, nakasimangot ako.
Mabuti nalang talaga at medyo malapit lang pala yong site na sinasabi niya sa office namin kaya naman ilang minuto lang yong tinagal ng viahe namin. Nang tuluyan na niyang ipark yong kotse niya sa loob ng isang malawak na lote agad akong bumaba ng sasakyan at nilibot ng tingin ang buong lugar.
Madaming mga construction workers ang busy'ng-busy sa kani-kanilang trabaho meron ding malalaking uri ng sasakyan na ginagamit sa pagtayo ng building. My mga trabahador na napatingin sa gawi namin at hindi ko maiwasang mailang, paano ba naman kasi pinahiram na naman ako ni Katastrophe ng skirt pero mukha naman 'tong mini-skirt na pang-party at hindi pang-office. Geez!
Merong nagbulung-bulungan habang nakatingin sakin at wala akong ibang magawa kundi ang mag-iwas nalang ng tingin. Hindi ako sanay na nagiging center of attraction, lalo na ng mga lalaki. Bigla ay parang gusto ko na tuloy na bumalik sa loob ng kotse ni Justin at magpanggap na my masakit sakit. Kung makatingin naman kasi 'tong mga mokong na 'to eh! Para akong pagkain gusto nilang kainin! Gulp. Gulp. Gulp. At ganun nalang ang gulat ko ng –
"What are you looking at?! Go back to work! D ang!" Buong-buo yong inglish ni Justin habang masamang nakatingin sa mga trabahador at ng muli akong bumaling sa mga 'to, wala na ang atensyon nila sakin lahat sila ay naging busy nang muli sa kanya-kanyang trabaho.
Nagbalingan ko naman ng tingin si Justin ang sama ng tingin niya sakin, hinid pa siya nakuntento at tinignan niya pa ako mul ulo hanggang paa at saka niya ako sinimangutan. Nagkanda-haba-haba tuloy yong nguso ko. Ano na namang ginawa ko?!
"Let's go, I have an urgent matter here with Engineer Lopez." At saka siya tumalikod at nagsimula ng malakad. Syempre, agad naman akong napasunod ng huminto siya, syempre hindi ko naman inaasahan yon kaya nabunggo yong mukha ko sa likod niya.
"Aray ko! Ang tigas naman ng likod mo Justin." Huli na ng marealized ko kung ano yong sinabi ko. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at pigil ang hininga ko ng unti-unti siyang humarp sakin. Wala ni isang emosyong mababakas sa mukha niya, na mas lalong nagpakaba sakin hanggang sa –
"I am your Boss, Miss Cruz so treat me like one." Then then next thing I knew sobrang layo na niya sakin. Kausap na niya yong mga pinagalitan niyang mga trabahador kanina habang ako naman nakapako pa din sa kinatatayuan ko. Paano ba naman kasi talagang pinagdiinan pa niya yong pagkakasabi niya ng 'Miss' at last name ko.