Kabanata 2
"Joanna okay ka lang ba? At saka sino yong naghatid sayo? Wow! Ha? First day of work mo palang my – uhhmm... friend hindi mo naman jowa yon diba?"
Pabagsak naman akong umupo sa mono-blocked na upuan at saka pagud kung tinignan si Katastrophe. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Bumuntong hiningan naman ako at sinabi na sa kanya yong problema ko.
"What the hell?!" Hindi makapaniwalang sagot naman sakin ni Katastrophe ng makwento ko sa kanya lahat ng nangyari ngayong araw. Pagkatapos kasi akong hilain ni Justin palabas ng office niya dire-diretso kaming pumasok sa loob ng private lift na ang tanging siya at yong mga kapamilya lang niya ang pwedeng gumamit.
Hindi ko alam kung tama bang kausapin ko siya, eh hindi ko naman alam kung ano bang dapat kung sabihin. Kaya sa huli mas pinili ko nalang na manahimik. Hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. Walang lingon-lingon niyang inabot yong kamay ko at dire-diretso na naman kaming naglakad papunta sa isang kotse – Bugatti.
Binuksan niya yong shotgun seat at ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng magets ko yong gusto niyang mangyari. Gusto niyang sumakay ako don? Pero bakit? Saan niya ako dadalhin? Mabuti nalang talaga at hindi na magkahawak yong kamay namin kaya madali nalang sakin yong mapaatras palayo ng kotse niya.
"Hop in." Matigas na inglish na sabi sakin ni Justin. Sunod-sunod naman akong umuling. Tinignan naman niya ako ng masama at dahil sa malaki siyang tao, inilang hakbang lang niya yong pagitan namin at walang pag-atutubiling binhat niya ako ng bridal style.
Agad naman akong napatili sa hindi inaasahang pangyayari. Then the next thing I knew nasa loob na kami ng kotse niya, sinubukan ko pa ngang lumabas pero nakalocked 'to hanggang sa bumukas yong driver seat at pumasok siya. Muli na namang nagkasalubong yong tingin namin at walang sabi-sabi niyang pinaandar yong kotse niya.
"S-san mo ba kasi ako dadalhin?" Medyo inis na tanong ko sa kanya pero lumipas na ang ilang minuto wala pa din akong nakuhang sagot mula sa kanya. Sa inis ko sinubukan ko pang buksan yong pinto ng kotse niya – mukhang siya naman ngayon ang hindi handa sa ginawa ko.
"Joanna what the f uck?!" Sita pa niya sakin. "Close that goddam n door." Pero hindi ko sinunod yong gusto niya kaya sa huli siya din ang sumuko at hinito sa gilid ng kalsada yong kotse niya. Symepre, ng bumaling kami sa isa't-isa parehong din'g masama ang tingin namin.
"Hindi ko alam kung naong balak mo pero wala akong balak na sumama sayo." Hindi ko na inantay pa yong sagot niya, mabilis kung kinalas yong seatbeat na kinabit niya sakin at akma sanang lalabas na ng mahuli na naman niya yong palapulsuhan ko at ganun nalang ang panglalaki ng mga mata ko ng sumalubong sakin yong mukha niya then the next thing I knew he was kissing me, savagely.
I suck and bit my lower lip and even tried to put his wicked tongue inside my mouth pero hindi ko siya pinayagan – yon ang akala ko, humigpit kasi yong hawak niya sa mga kamay ko dahilan para mapa-unggol ako sa sakit – and right at the moment, he got his chance, I swiftly slid his wicked tongue inside my mouth and marked every corner of my mouth his territory.
Sinubukan ko naman siyang itulak palayo sakin para matigil siya sa paghalik sakin pero hinuli lang niya yong mga kamay ko at kinulong 'to sa iisang kamay niya.
Ang minutong paghalik niya sakin ay pakiramdam ko inabot ng oras, pano ba naman kasi hingal na hingal pa din ako hanggang ngayon habang nakayuko sa kinauupuan ko. Habang 'to namang si Justin para wala lang siyang ginawa. Chill lang yon peg niya habang nagradrive at dahil masakit din naman sa ulo ang yumuko nalang foever, pasimple ko nalang binaling yong paningin ko sa bintana pero yong buong atensyon ko naman nasa kanya.
Hanggang sa mapansin kung parang pamilyar sakin yong dang tinatahak namin at ganun nalang ang panglalaki ng mga mata ko ng realized na eto yong daan pauwi ng bahay namin. Gulat na gulat pa akong napatingin kay Justin ng ihinto niya mismo sa harap ng bahay na inuupahan namin ni Katatrophe yong kotse niya.
At habang nakatingin ako sa kanya – isa lang ang narealized ko – ni-wala man lang pores si Justin! Huhu! Samantalang ako nag-uumpisa na! Kung bakit naman kasi ang hira ng buhay dito sa Pilipinas! Hirap nan gang maghanap ng trabaho kahit na college graduate ka, ang kunting lang din ng pasahod. Sigh.
"What are you looking at still?" Mayamaya ay maungit na tanong sakin ni Justin, na kinabilis naman ng t***k ng puso ko. Nakakahiya! Napansin pala niya yong paninitig ko sa kanya!
"W-wala! Sige salamat sa paghatid!" At saka ako nagmamadaling lumabas ng kotse niya at papasok sa bahay namin. Magmomoment pa nga sana ako sa likod ng pinto namin kaso nandito naman si Katastrophe at nakikichismis na agad. Psh. Kaya dumiretso nalang ako sa lamesahan namin at pabagsak na umupo.
"Ayy! Shocks oo nga, bes meron six million na damage fee! Eh ni-singkong duling nga, wala pa tayo!" Sabi sakin ni Katastrophe pagkatapos niyang basahin yong contract ko sa Smith House.
"So, wala kang choice. Dapat mong tapusin yong contract. Haha! Goodluck!" At saka siya umalis ng bahay. Gaga, yon ah! San naman kaya siya pupunta eh magdidilim na? Hya bahala nga siya sa buhay niya, matanda naman na siya.
Anak ng tupa! Anak ng tupa talaga! Halos makalimang-daang bilang na ako ng tupa habang nakahiga sa kama hindi pa din ako makatulog hanggang sa inabot na ako ng three AM! Don lang ako dinalaw ng antok. Badtrip naman kasi yang kiss ni Justin sakin hindi mawala-wala sa isipan ko!
Kada ipipiki ko yong mga mata ko, naiimagine ko siya at ako na nagkikiss don sa loob ng kotse niya! At talagang kasali pa ako eh, siya lang naman ang kumiss sakin! At ng muli akong maalimpungatan sa pagtulog ko five AM na.
Since eight AM pa naman yong pasok ko sa office sinubukan ko ulit na matulog pero anak ng tukwa naman hindi na ako muling dinalaw ng tulog! Kung ano-anong puwesto na nga ng pagtulog yong ginawa ko eh, kaya sa huli since maaga pa naman nagdecide nalang akong maglalakad-lakad hanggang sa makarating ako sa burnham park.
Naalala ko pa noong bata ako, palagi akong dinadala dito ni Mommy sa tuwing gustong-gusto niyang maglakad-lakad sa park at ang kwento pa niya sakin, kaya daw mahilig siyang maglakad-lakad dito sa burnham park kasi dito rin daw siya noon nagmomorning walk noong buntis pa siya sakin.
Kaso lang nagbago na ang lahat ngayon – matagal ko na siyang hindi nakikita kasi hindi kami in good terms. Hindi niya kasi matanggap na ang aga ko daw nag-as –
"Joanna!" Naputol naman kung pagmumuni-muni ko tungkul sa mga problema ko ng madinig ko yong pangalan ko. Syempre, agad kong napalingon kasi pamilyar din sakin yong boses ng lalaking sumigaw. Sakto namang paglingon ko muli kung nadinig yong pangalan ko.
"Joanna!" At ganun nalang yong pagbilis ng t***k ng puso ko at muling bumalik yong mga butterflies sa loob ng tummy ko ng makita ko si Justin! Hindi! Hindi ako pwedeng magkamali kahit pa meron'g siyang suot-suot na shades na halos sakupin na yong buong mukha niya.
Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa bench at talagang tinuro ko pa yong sarili ko. Hindi naman siya sumagot pero mukhang ugali na talaga niya ang hindi pala sagot. Hmm... ngayon ko lang nalaman yon ah? Kasi naman noon, nung magkasama pa kami kahit na walang kwento yong sinasabi ko sinasagot pa din niya ako. Hanggang sa hindi ko namalayan, unti-unti na pala akong naglalakad papalapit sa kanya.
"Joanna come here." Sabi pa niya, kaya ngayon sure na sure na akong, ako nga yong tinatawag niya at nang malapit na ako sa kanya, bigla nagkasalubong yong mga mata namin. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to or parang nagslow motion yong paligid at biglang kaming dalawa nalang yong nag-eexists ngayon dito sa park.
Idagdag mo pang ang hot-hot nga naman talaga ni Justin sa jogging attire niya. Naka-sando siya ng pangwork out, jersey shorts, basketball shoes, at yong cellphone niya nakalagay don sa my kaliwang matching braso niya my nakakabit kasi don'g pwede paglagyan ng phone tapos my nakakabit na earphone.
Hanggang sa nakadinig kami ng buo at matapang na kahol ng aso, napatingin naman ako sa paanan niya at don ko lang napansin na my kasa-kasama pala siyang aso. Bumaling naman siya don sa aso, at saka nagsalita.
"Good job Joanna." Sabi niya don sa aso na nagpataas ng kilay ko. Kinuha naman niya yong nasa bibig na aso na shape na plato at saka muling hinagis 'to don sa damuhan at sinabing fetch.
Anak ng tukwa! Tama ba 'tong nadinig ko? Pinangalanan niyang Joanna yong aso niya?! Gago 'tong Justin na 'to ah!