Kabanata 1

1495 Words
Kabanata 1 "Sir." Tinawag ni Mrs. Thompson ang lalaking nakaupo sa malaking kulay silver na swivel chair, nakatalikod 'to samin at nakatanaw sa isang malaking glass wall na kita ng halos kabuuan ng Baguio. Nakatayo ang Smith House building sa pinakamataas na bahagi ng downtown, kung saan makikita ang mga sikat na pasyalan dito, tulad ng Burham Park, Rose Garden, ang City hall, ang sikat na church, matatanaw mo din ang mga bulubundukin sa malayong parte ng siyudad. Hindi ako mapakali at kabadong-kabado sa unang paghaharap namin ng boss ko. Sinubukan ko namang hanapin sa internet kung ano bang itsura ng CEO ng Smith House, kaso ang lumalabas lang halos sa results ay siJohn Smith, na galing sa second generation ng mga naging CEO ng Smith House. Nabanggit pala sakin ni Ms. Claire na pang-third generation na daw ang magiging boss ko, at ayaw na ayaw daw pala niya na napa-publish sa publiko ang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Dahan-dahang umikot ang swivel chair hanggang sa tuluyan ko nang makita ang mukha niya. Sunod-sunod ang paglunok ko at nararamdaman ko ang pagiging tuyo ng lalamunan ko nang magtagpo ang aming mga mata. Kung hindi pa siguro ako nakatayo malapit sa isa sa mga visitor chair na nasa harap ng executive table niya, malamang ay kanina pa ako bumagsak mula sa pagkakatayo. Feel na feel kasi ng mga binti ko ang pagiging jelly ace sa mga oras na 'to. Naku po. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay lalabas na 'to sa dibdib ko! Kasabay ng pag-alis ng kaluluwa ko sa katawang lupa ko, napapaisip pa din ako kung dahil ba 'to sa panaginip ko tungkol sa kanya kanina kaya namamalik-mata ako ngayon at nakikita ko siya sa harapan ko, ngunit wala etong emosyong nakatingin sa'kin. Siya ba talaga ang CEO ng Smith House, ang magiging boss ko?! Para makasigurado sa nakikita ko, kinusot-kusot ko pa yong mga mata ko, baka kasi napuwing lang ako, pero malinaw na malinaw na nakikita ko pa din siya sa harapan ko. Baka naman kasi hanggang ngayon tulog pa talaga ako at nasa panaginip ko pa din pala ako? Pasimple kong kinurot yung tagiliran ko, at napangiwi ako sa ginawa ko sa sarili ko, at nang muli kong binaling sa kinauupan niyang swivel chair ang tingin ko, ngunit nahuli kong nakatingin na pala siya sa'kin! So, ibig sabihin ay hindi ako nananaginip? Bigla namang parang naging constipated ang  tiyan ko. Hindi na naman ako mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto ko bang umalis? Hindi ko alam. Halo-halo na din ang nararamdaman ko ngayon at hindi na ako makapagfocus sa mga nangyayari sa paligid ko. "Joanna, nakikinig ka ba?" nawala naman ako sa malalim na pag-iisip ko nang marinig ko muli ang matinis at masungit na boses ni Mrs. Thompson. Sa sobrang pagpapanic ko, sunud-sunod akong napatango kahit naman wala kong naintindihan ni isang salita sa mga sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung pinakilala na ba ako ni Mrs. Thompson sa kanya or hindi pa! Paano ba naman kasi wala man lang siyang reaksyon, nanatili lang siyang naka-poker face habang titig na titig sakin. Muli na naman tuloy akong napagalitan ni Mrs. Thompson. May sinasabi pa siya sa lalaking'to na nasa harapan ko pero hindi ko na naiintindihan dahil naguguluhan pa din ako sa nangyayari ngayon. "Joanna, ano pang tinatanga mo jan?! May mga dapat pa akong ituro sayo sa labas!" sigaw ni Mrs. Thompson sakin. Nagpaalam na ba siyang lalabas na kami?  Nagpalipat-lipat naman yung tingin ko sa naglalakad nang palabas si Mrs. Thompson at kay Justin nang muli na naman akong tinawag ni Mrs. Thompson, kaya tuluyan na akong napalabas ng office niya. Actually, kahapon pa talaga yong huling araw ni Mrs. Thompson, nag-overtime lang siya ngayong araw na 'to para sa unang araw ko sa trabaho. Gusto daw kasi niyang makasigurado na tama yong mga gagawin ko, masyado pa naman daw kasi istritko si Just– este yung boss ko. Napapunas nalang ako ng invisible pawis ko sa noo ko nang maglunch time na at inaya akong kumain ni Mrs. Thompson sa cafeteria. Mabuti nga at siya na yong nagpaalam kay.. boss na maglalunch na kami. Ugh! Kung bakit naman kasi hindi ko nalaman na si Justin Smith-Montemayor pala ay kamag-anak ng may-ari ng Smith house at ang mas matindi pa, siya pala ang CEO nu kumpanya, in short, ang boss ko! Kung pwede lang sanang umatras nalang, gagawin ko talaga, kaso nakapirma na ako ng six-months contract sa Smith House Corporation at kapag hindi ko natapos ang kontrata, kailangan kong magbayad sa kumpanya for those lost months. Hay. San naman ako kukuha ng six million na pangbayad sa kanila, diba? Kaya no choice ako kundi magtiis at dapat ngayon palang ma-figure out ko na kung paano ko ba pakikisamahan si Justin. Syempre, una sa lahat, dapat maging civil yong pakikitungo ko sa kanya. Dapat kung sanayin yong sarili kung tawagin siyang Sir, or much better kung 'boss' nalang. Natapos naman yong araw na kami lang ang nagkasama ni Mrs. Thompson, paulit-ulit niyang tinuro sakin kung ano ang mga dapat kung gawin first thing in the morning, hanggang sa maglunch at kasama pala sa pagiging secretary ni Justin ang ibili siya ng lunch. Paano kasi ay hindi pala lumalabas yong kapag lunch time na para kumain kaya nagvovolunteer nalang daw madalas si Mrs. Thompson na ibili siya or ipagpadeliver siya ng pagkain. Sa hapon naman, kusa ding pinagdadala ni Mrs. Thompson ng meryenda si Justin, pati dinner din pala na pinagtataka ko na. Ayoko sanang magtanong kung bakit pati dinner at sasagot nalang sana ako ng tango, kaso kinakain kasi ako ng curiosity ko, kaya tinanong ko nalang din. "Madalas kasing nag-oovertime si Mr. Montemayor, Joanna. Madalas ay 11 PM to 1 AM na siya kung umuwi sa dami ng kailangan niyang basahin at pirmahang mga dokumento. Ayaw kasing ipagawa nalang ni Mr. Montemayor yung pagbabasa ng papeles sakin. Masyado siyang hands-on sa business proposals ng mga clients nila para na din ma-empress ang kanyang ama sa kanya." Ang totoo nyan, wala naman talaga akong tungkol kay Justin, bukod sa buong pangalan niya na nakalimutan ko. Sabi naman kasi sa inyo eh, minsan kabobohan is real. Hay. Tama ba naman makalimutan ko yong buong pangalan niya? Sa bagay, bakit ko naman kasi aalalahanin yong pangalan ng lalaking nang-iwan sakin sa ere, diba? At sa kung ilang taon na siya at kung ano bang course ang kinuha niya noong college kami, yun lang ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi ko kilala ang parents niya kaya hindi man lang ako nakaramdam ng pagtataka ng makita kung medyo hawig sila ni Josh Smith ang nasa isip ko naman kasi nung mga oras na yon, madami naman kasing magkakamukhang tao sa buong mundo, eh magkamag-anak pala sila. Nang past 5 PM na, pinayagan na akong umalis ni Mrs. Smith, pero sinabi niya sakin bago ako tuluyang umalis eh magpaalam na daw muna ako kay Boss. Agad namang naglamig yong mga kamay ko at hindi na naman ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. "Joanna, ano pang ginagawa mo jan? Pumasok ka na at magpaalam sa kanya," sita pa sakin ni Mrs. Thompson. Mukhang napansin niyang nakatayo lang ako dito sa harap ng pinto ng office ni Justin. Nakagat ko naman ang lower lipcko at akmang sasagot na sana my biglang bumukas ang pinto. Napatayo sa kinauupuan niya si Mrs. Thompson habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Amoy na amoy ko yong pabango niyang panglalaking-panlalaki at kinailangan ko pa talagang tumingala para makita yong mukha niya. "Sir– " Hindi naman natuloy ni Mrs. Thompson yung sasabihin niya nang magsalita is Justin. Saka ko nalang ippractice yung pagtawag ko sa kanya ng Boss, nasa state of shock pa din ako hanggang ngayon, at saka sa isip ko lang naman siya tinatawag na Justin eh. Napanguso nalang ako sa naiisip ko. "Are you going home?" Malamig at matigas na pag-English niya. Ayy. Baka si Mrs. Thompson ang tinatanong niya kasi malamang five PM din ang out niya tulad ko. Pero lumipas na ang ilang minuto wala pa din akong nadidinig na sagot mula kay Mrs. Thompson. Kaya naman napabaling na ako sakanya at ganun nalang ang pagtataka ko ng makita kung nakatingin siya sakin. Sakin ba or kay Justin?  Kaya naman para makasigurado ako tumigin na din ako kay Justin at ganun nalang ang pagtataka ko nang makita kong nakatingin din siya sakin. Agad na bumilis yong tibok ng puso ko, nagjejelly-jelly na naman yung mga binti ko at hindi na naman ako mapakali. Sumali pa  yung butterflies sa loob ng tyan ko, na kanina ko pa pala nararamdaman simula nung narinig ko ulit ang boses niya. "Uhh... ako bang tinatanong mo?" Tanong ko naman sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay at saka niya tinignan yong kabuuan ko. Nakasabit na sa balikat ko yong bag ko at halatang ready'ng-ready na akong umuwi. Ang buong akala ko papagalitan niya ako kasi bakit mas mauuna pa akong umuwi, eh siya ang Boss ko, pero ganun nalang ang gulat at panglalaki ng mga mata ko ng hawakan niya yong kanang kamay ko at walang sabi-sabing hinila niya ako ng palabas ng office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD