Simula

1338 Words
Simula "I, Justin Smith-Montemayor, take you, –" "Joanna! Gumising ka na jan!" Agad namang akong nagising mula sa pagkakatulog ko at saka ko nasapo yong noo ko nang maramdaman ko ang pagkahilo dahil sa biglaang pagbangon. "Hoy babae! First day mo ngayon sa work tapos naglalaway ka pa jan? Seven o'clock na kaya!" Agad namang nanlaki yong mga mata ko at medyo nahihimasmasan na ako. Natauhan ako sa pagbanggit niya ng oras kaya hindi ko na pinansin pa si Katastrophe. Dali-dali akong pumunta sa banyo at saka nagpatulo ng tubig sa timba. Medyo inaantok pa ako nung inabot ko yung tabo at bigla ako nagbuhos ng tubig sa katawan ko. Tangina! Kabobohan is real! Dapat pala nagpainit muna ako ng tubig bago naligo sobrang lamig ng tubig sa Baguio!" sabi ko sa sarili ko, pero dahil sa malelate na ako, tiniis ko nalang 'yon para matapos na agad. Si Katastrophe ang aking bestfriend slash roommate. Mga bata palang kami ay magkakilala na kami, bukod kasi sa magkapitbahay kaming dalawa, pumasok din kami sa iisang school noong elementary, high school at hanggang sa college, kung saan napagdesisyunan naming mag-aral sa Baguio City. Pagkalabas ko ng banyo, dali-dali akong nagbihis ng office attire at saka nagsuklay gamit yong mga kamay ko at lumabas ng kwarto. Agad namang bumungad sakin ang nagkakapeng si Katastrophe, parelax-relax lang ang bruha, palibhasa kasi Monday ngayon at day off niya na. Call center agent kasi siya at meron siyang two days off depende sa schedule na ibibigay sa kanya, habang ako naman na sa office nagttrabaho ay tuwing weekends naman. Pagkatapos kong isuot ng itim na doll shoes, agad kung sinukbit yong sa balikat ko yung shoulder bag at saka lumapit sa kanya. "Ano, aalis ka na? Alarm-alarm din kasi pag my time." Nang-aasar na bilin niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at kinuha yung kape niya sa mesa, tapos inubos ko yun ng isang inuman, buti nalang at hindi na ganun kainit. Napanganga pa siya ng konti sa ginawa ko saka napapikit ng onti sa inis niya sakin. "JOANNA!" Galit na sita niya. Hindi ko naman na siya pinansin at dali-dali akong lumabas ng bahay, saka nag-antay ng jeep na masasakyan papunta sa Smith House. Mabuti nalang at nasa gilid lang ng kalsada 'tong tinitirhan namin kaya hindi natagalan ang paghihintay ko. Habang nasa byahe ako, hindi maalis-alis sa isip ko yong panaginip ko kanina. Apat na taon na din pala ang nakakalipas. Kamusta na kaya siya? Agad ko namang inalis sa isipan ko yung tanong na yun at yung panaginip saka binaling yong atensyon ko sa kalsada. Nag-alarm naman talaga ako sa phone ko, pero masyadong maganda 'yong panaginip ko kaya naman napasarap lalo tulog ko at di ko narinig yun. Geez! Hindi ko na rin naman tinignan yung oras nun kasi akala ko maaga pa, buti nalang at anjan si Katastrophe para gisingin ako. "Kuya, para po." Agad namang huminto yong jeep at saka ako bumaba nang pahirapan. Paano naman kasi, nakapencil skirt ako na itim, actually kay Katastrophe talaga 'tong skirt na 'to at ginamit pa niya 'to noong college kami. Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng palda, mas gusto ko pa nga magslacks. Hindi naman dahil sa pangit 'yong legs ko, pero hindi naman kasi ako masyadong girly-girl. Kahapon ko nga lang nalaman through email na ang required office attire daw ng mga female ay skirt at slacks naman sa boys. Kainis! Ang arte naman ng may-ari ng Smith House na 'to! Sa tingin ko, matandang walang asawa na manyak yung may-ari ng kompanyang 'to, at para pasimple niyang bobosohan yong mga babaeng empleyado niya ay required niya kaming pinagsusuot ng skirt. Pero syempre joke lang. Paano naman kasi na hindi ko masasabi yun, nung nag-apply ako dito, nagpapaiksian yung mga babae dito sa loob ng mga skirt nila, tapos nakahigh heels pa sila at punong-puno ng make up yung mga mukha. Akala ko nga may party nung araw na yon kasi ang daming nagkalat na clown, na parang may children's party, but it turns out na mga office clerk pala sila. Sigh. "Ma'am, pakisuot naman po yung company ID niyo." "Ha? Ano po yon?" Medyo nagtataka akong tumingin sa guard habang nasa entrance ako. Urgh! Joanna focus, focus, focus! Napapailing nalang ako sa sarili ko. First day of work mo palang, kailangan mong umayos at ma-impress ang boss mo para maging permanent job mo na 'to. "Ma'am, sabi ko po, pakisuot po yung ID niyo para mascan." Sagot naman sakin nung guard at saka siya nagkamot ng batok. Dun ko lang din napansin na nasa entrance na pala ako ng Smith House. Agad naman akong nagkalkal sa bag ko para mahanap yong ID ko at humingi na din ng sorry sa mga taong nakapila sa likuran ko at nagrereklamong malelate na daw sila. Since alam ko naman na kung anong floor yong office ng CEO, which is nasa thirty-third floor, hindi na ako nagtanong sa reception, kung nasan yong magagandang office clerk pero sobrang sungit kapag babae ang nag-iinquire. Sigh. Pero kapag mga lalaki – hay nevermind na nga lang! Oo nga pala, malelate na talaga ako ng bonggang-bongga! Agad naman akong nagmadali papunta sa elevator at kapag sinuswerte ka nga naman, nagkasya pa ako don sa maliit na space. Agad ko namang pinindot yong number thirty-three na button at agad nalang akong napakunot ng noo ko ng makita ko yung mga katabi ko na nakatingin sakin na parang may ginawa akong kasalanan. Ramdam ko din yung iba pang tingin sakin mula sa likuran ko. Anong problema ng mga 'to? May ginawa ba akong masama? Hindi ko nalang sila pinansin pa at nag-antay na makarating sa thirty-third floor hanggang sa ako nalang yung naiwan. Lakad-takbo naman ang ginawa ko nang bumukas yung elevator sa hallway papunta sa CEO's office. Tanging ang office lang ng CEO ang andito sa floor na to. Actually, wala pa akong idea kung ano bang itsura ng boss ko, paano ba naman kasi puro yong HR team lang yon nag-interview sakin. Nakapunta lang din ako dito minsan, nung bago ako magstart at pinakilala ako ni Ma'am Claire – yong HRM manager – sa secretary na papalitan ko. Isa siyang matandang babae na nasa sixty-five na ang edad – ayon din kay Ma'am Claire. At dahil sa senior citizen na siya kaya nagdecide na siyang mag-retire sa trabaho. Ang sabi pa sakin ni Ma'am Claire, secretary pa daw ng Lola ng CEO ngayon si Mrs. Thompson. At saka wakas nakarating na din ako sa dulo ng thirty-three floor kung nasan yong mismong office. Agad kung binuksan yong double doors at bumungad agad sakin ang working table ni Mrs. Thompson. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at binati siya ng magandang umaga pero isang masamang tingin at simangot lang ang sinagot niya sakin. Kaya epekto ng katandaan! Hindi ko nalang pinansin yong pagsusungit niya sakin kasi alam ko naman na kung ano yong kasalanan ko eh! Late na ako ng five minutes! Nagsorry nalang ako sa kanya na may kasama pang peace sign, para alam niyang sincere ako. Inirapan naman niya ako at sinabihan ako, "Ayusin mo yang sarili mo, Miss Cruz, at ipapakilala na kita kay Mr. Montemayor." Tumango naman ako na nauwi din sa pagkakunot ang noo. Nabaling ulit sa kanya ang atensyon ko na nagtataka. "Uh, sino po si Mr. Montemayor?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Akala ko ba ang boss ko ay si Mr. Smith? Sumimangot naman siya sakin. "Hindi ba ay na-orient na kita tungkol sa boss natin?" Masungit naman niyang tanong sakin. Agad naman akong tumango. "Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na agad yong mga bilin ko sayo?" dagdag pa niya. Nangliit pa yong mga mata niya habang inaayos niya yong salamin niya. Agad naman akong umiling. Mataas naman ang memory ng isip ko eh! Natatandaan ko naman lahat ng bilin niya sakin – yung mga dapat at hindi dapat gawin, at paulit-ulit ko pa nga 'yong ni-review kahapon para hindi ako magkamali sa first day ko, pero wala talaga akong matandaan na Mr. Montemayor pala yung pangalan ng boss ko. Umiling-iling nalang siya at saka siya umikot para makapunta sa tabi ko at walang sabi-sabi niyang hinila yong kamay ko dahilan para mapasunod ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa opisina ng CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD