Kabanata 31 "Hoy! Justin san mo ba kasi ako dadalhin?!" Kanina pa kasi kami naglalakad este siya lang pala tapos buhat-buhat pa din niya ako – take note; yong pabridal style pa kaya naman nakakagaw talaga kami ng atensyon ng mga tao dito sa resort. "Kanina pa tayo pinagtitinginan! Nakakahiya na!" Dagdag ko pa at saka ako nagsumiksik sa dibdib niya. Hindi naman siya sumagot hanggang sa napansin kung nakalabas na pala kami ng resort at papunta na kaming beach. "Akala ko ba bibigay mo sakin yong gamot? Bakit bumalik na naman tayo dito sa beach?" Tanong ko na naman sakanya pero tulad kanina wala na naman kong nakuhang sagot mula sa kanya. Anak naman ng tupa para lang akong nakikipag-usap nito sa hangin eh. "Justin naman eh!" Reklamo ko naman sa kanya. "Asan na ba yong gamot? Pwede ba bigay