Kabanata 30 Since hapon palang naman napagdesisyonan naming maligo sa beach, sa labas ng resort. Nakalaman ko din na kaya pala dito sa JJ resort ginanap yong company outing kasi pagmamay-ari pala 'to ng family ni Justin. Nalaman ko 'to kanina ng sabihin sakin ni Justin na nag-iisang room lahat ng empleyado, syempre nagtaka ako kaya nagtanong-tanong na ako sa kanya, yong room ko nga kaharap lang ng room niya. Gusto ko nga din sanang itanong kung saang room nagstay si Justin... at Lenita. Kung magkasama ba sila sa iisang room or separate pero syempre pinigilan ko yong sarili ko, ano bang alam ni Dustin don diba? Baka nga wala pa siyang pakialam. Sigh. Hindi naman kasi niya alam na asawa ko si Justin. "Joanna lika dito! Swimming tayo." Sabi sakin ni Dustin. Umiling-iling naman ako at nanat