Opisyal kaming inimbitahan ng Presidente sa Malacañang para isagawa ang pagpaparangal sa amin. Lahat kami ay nakasuot ng magagarang damit. Barong para kay General Hermosa, Spiel at Ishmael. Sa amin naman ni Shiela ay kulay puting Filipiana naman. Magkaiba ang disenyo pero parehas na elegante tingnan ang aming kasuotan. Kabado ako ng sandaling iyon dahil ito ang unang beses na makikita ko sa personal ang Presidente. Nilabas ko ang panyo sa purse na dala ko at pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo. "Kabado ka rin?" bulong sa akin ni Shiela at ngumiti ako ng kaunti sa kanya. Si General Hermosa ay palakad-lakad, halata rin sa kanya ang kaba at si Spiel naman ay prenteng nakaupo pero alam kong tinatago niya lang ang kanyang kaba. Si Ishmael ay kausap ang kanyang nobya at humihingi ng