Tuwang-tuwa si Ishmael habang nsa byahe kami papunta sa isang resort dahil binigyan kami ng gantimpala at nagkasundo kaming lahat na isang araw na walang trabahong aasikasuhin. Hindi ko sinabi sa kanila na kinausap ako ng Presidente at tinatanong ako kung mayroon akong personal na gantimpala. Pinag-iisipan kong mabuti ang bagay na hihilingin ko at mataas ang tsansa na hindi niya ako payagan pero kung hindi ay gagawaan ko ng paraan ito. Pinagmamasdan ko na lang ang daan na tinatahak namin habang nagkakabiruan sila. Si Spiel ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon at si General Hermosa naman ay nasa kabilang sasakyan dahil kasama niya ang kanyang anak at asawa. Kasama rin namin sa sasakyan ang dalawang anak ni Shiela,si Margery ang dalawang anak ni Spiel. Si Ishmael ay ang kanyang kasintahan