Dumating ang araw ng lunes at wala pa rin balita sa akin si Spiel kung saan namin itutuloy ang pagtatrabaho dahil kasalukuyan pang iniimbestigahan ang aming himpilan. Nanatili na lang ako sa bahay at patuloy na naghihintay sa mga balita tungkol kay Spiel. Magkatabi kami ni Genro na nanonood at kumakain sa tapat ng telebisyon ng biglang lumitaw ang isang balita. Isang mga armadong lalaki ang nagra-rally ngayon para ipagtanggol ang kapulisan laban sa mga teroristang nagpasabog sa himpilan at sa isang iglap ay nagkaroon ng pagsabog sa lugar na iyon. Kitang-kita ko ang mga taong nakahiga sa kalsada at ilan ring mga pulis na pumipigil sa kanilang ginagawa ang duguan. Agad nagpalit ang palabas at pinakita ang isang grupo ang nakasuot ng maskara at nakahilera sa tapat ng camera na gamit nila.