Naghihintay na kami ng mga sandaling iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Spiel at nahagip ng mata ko ang letra na nagsisimula sa letter R. Lumayo sa akin si Spiel at sinagot ang tawag na iyon. Habang may kausap siya, may biglang dumting na isang truck at nakasakay doon ang ilang mga lalaki na may suot na bungong maskara. "Alexa Roque,sumama ka sa amin!" sigaw nito at lumapit sa akin. Kinuha ko agad ang baril sa aking bulsa at tinutok sa kanila. "Hindi ako sasama sa inyo! Anong kailangan niyo sa akin?" sigaw ko sa kanila. Hindi sila natinag sa paglapit sa akin at nakatutok rin ang mga armas nila. Mas malalaki ang mga armas nila kaya binaba ko na ang baril ko dahil wala na akong laban sa kanila. Inakay nila ako papunta sa sasakyan nila pero nagmatigas ako at tumitig kay Spiel at