Halata sa notebook na ito ang kalumaan dahil sa kulay ng papel at ang tinta nito na tumatagos na sa kabilang pahina. Kahit gano'n ay mababasa pa rin naman ito. Kinuhaan ko ng litrato ang mga pangalan na ito at pinasa ko kay Spiel sa pamamagitan ng isang app na maaaring magbigay ng mensahe ng mabilisan. Sa bawat totoong pangalan ng mga ito ay may nakalagay na alias. Medusa. Isabel Hernandez. Siya ang tagapamahala sa kilusan nila pagdating s Human Trafficking. May guhit na ang pangalan niya at sa dulo nito ay may panibagong pangalan. Lani Ormoc. Marahil ay patay na ang unang tagapamahala nito at nagkaroon ng panibagong hahawak sa ganitong krimen. Mockingjay. Jayson Peralta. Ang taga-supply nila ng mga armas at bomba. Apoy. Hernie Romulo. Ang arsonista ng kanilang grupo. Mercury.