Habang hinihintay namin si Shiela sa labas ng Mansion ay tila naaninag ko si Denise sa di kalayuan at nakamasid sa amin. Nakatayo siya sa isang madilim na parte ng lugar na iyon at may hawak na isang baril. ilang segundo rin akong napatingin sa kanya hanggang sa makita ko ang ilang mga waiter na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Anong mayroon?" tanong sa akin ni Spiel at tiningnan ang tinititigan ko. Umiling na lang ako sa kanya at naisip na baka guni-guni ko lang iyon. Ilang sandali pa ay dumating na si Shiela sakay ng police vehicle at tuluyan na naming dinala si Jesthony sa himpilan para sa interrogation process. "Ako na ang bahalang magsagawa ng pag-iimbestiga sa kanya at mas makakabuti kung uuwi ka na at maghihiwalay tayo," bulong sa akin ni Spiel at tinuro ang limou