Chapter 50

2013 Words

Nang naitulak ko siya ay inipit ko ang kanyang ulo sa pamamagitan ng aking siko. Kahit may iniinda akong sakit ay pinilit kong kumilos. Naibaba niya ang kanyang braso kaya agad kong inagaw sa kanya ang baril. "Bakit mo nagawang patayin ang mga taong iyon?" tanong ko sa kanya at nakita kong ngumisi lang siya. "Gusto kong iparanas sa kanila ang naramdaman ko, ang mawalan ng isang minamahal sa buhay!" garalgal niyang sagot sa akin. Batid ko ang hirap niya sa pagsasalita dahil sa pang-iipit ko sa kanya. "Sino ka at anong kinalaman mo sa kaso ni Lukas Guilllermo?" matapang kong tanong sa kanya at huminga siya ng malalim. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil alam kong malapit siya kay Lukas. "Ako ang nobyo ni Lukas Guillermo!" sigaw niya sa akin at halos mabitawan ko siya dahil sa sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD