Huminga ako ng malalim at pinahid ang luhang tumulo sa akin dahil sa galit. Nakakaramdam rin ako ng kaba dahil mag-isa lang ako at kasama ko ang mga taong halos patayin ako makuha lang ang kanilang gusto. Nilakasan ko ang loob ko at gusto kong maparamdam sa kanila ang galit na nararamdaman ko. "May nagawa ba akong kasalan?" tanong ko kay Eva at tinitigan ko siya. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng pinto at parang inuusisa ako sa mga tingin niya sa akin. "Wala, Alex-" sagot ni Genro pero lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw ko sa kanya. Natahimik naman siya sa ginawa kong iyon at tumingala sandali. Binalik ko ang atensyon ko kay Eva. "Tinatanong kita, sumagot ka!" sigaw ko kay Eva at lumapit sa kanya. Napaatras naman siya sa