Habang nasisiyahan kami ni Genro dahil s perang nakuha ko, biglang sumulpot si Eva at galit na galit. Padabog niyang hinagis ang bag na dala niya. Lumapit sa kanya si Genro para salubungin ito pero hindi niya ito pinansin at agad siyang nagtungo sa akin. Hinablot niya ang aking damit pero agad ko siyang pinigilan sa ginagawa niya. "Huwag mo kong hawakan!" sigaw ko sa kanya at inalis ko ang kapit niya sa aking damit. Tumingin siya ng masama sa akin at di makapaniwala sa ginawa ko. Muli niya akong hinawakan at agad kong inalis ang kamay niya. "Eva, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Genro sa kanya pero hindi niya pinansin ang tanong ng kanyang kapatid. Tumalikod na ako pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hinila ang balikat ko at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Dahil sayo, na