Tinawagan na lang ni Genro ang babaeng saleslady para magsabi ng ilang detalye tapos ang sunod niyang tinawagan ay ang isang sikat na fast food restaurant. "Huwag na muna tayo lumabas ng bahay," sabi ni Genro sa akin matapos niyang magsabi ng pagkain na gusto niya. "Hihingi ako ng tulong kay Spiel at baka pwede niyang mapigilan ang ginagawa nila," sabi ko kay Genro at nilabas ko ang aking cellphone pero umiling siya at inagaw sa akin ang cellphone. "Huwag na. Tingin ko ay hindi mapipigilan ni Spiel ang mga lalaking iyon," sabi sa akin ni Genro. "Pero, alam niyang pinapasundan tayo," sagot ko sa kanya pero umiling lang siya. Ilang sandali rin kaming natahimik hanggang sa dumating ang ini-order niyang pagkain. PINAGMAMASDAN ko si Genro habang mahimbing na itong natutulog. Dahan-dah