"Bailiff, please call the other witness!" utos nito at lumapit sa akin ang isng lalaki tapos ay hinigit ako sa aking braso para bumalik sa kwarto kung saan ako galing. Nang makapasok ako pabalik sa witness waiting room, nakita ko si Tito Aero katabi si Genro. Siya na ang susunod na magsasalita sa harap at gusto kong masksihan ang lahat ng sasabihin niya. "I'm sorry!" bulong ko kay Genro at naluha na ako dahil pakiramdam ko ay walang saysay ang pagsasalita ko sa korte. Nakayakap ako kay Genro ng mga sandaling iyon tapos ay narinig ko na ang pagtatalumpati ni Tito Aero. "Wala kang kasalanan," bulong sa akin ni Genro pero ramdam ko sa tono ng kanyang boses ang pagkadismaya. "Kung maaari ko lang sana patingnan sa himpilan ang mga bala ng baril para magkaroon ako ng balistic report, kas