Inilihim ko kay Denise na hindi ko sinunod ang kanyang sinabi."Hindi kayo dapat nandito, may kwarto para sa mga witness," bulong sa amin ni Denise at dinala nya na kami s ksang kwarto at may sofa doon. Iniwan rin kami agad ni Denise at nabalot na kami ni Genro ng katahimikan. "Handa ka na ba?" tanong niya sa akin at naghawak-kamay kami. May bantay kami sa loob ng kwartong iyon at naisip ko, dala ko ang mga basyo ng bala. "Pakiramdam ko ay mananalo si Roger sa kasong ito," sagot ko kay Genro at huminga ako ng malalim. Kahit handa na ako, naiisip ko pa rin na maaari nilang pabulaanan ang magiging salaysay ko sa korte lalo na kung magaling ang abogadong nakuha ni Roger. Hindi sumagot sa akin si Genro dahil alam kong maski siya ang naiisip ang bagay na iyon. "May dala akong ebidensya,"