TAHIMIK lang si Janeth, mula ng bumalik siya ng mansyon upang sandaling makasama ang anak. Kahit mahirap iwanan ang anak ay kailangan niyang gawin. Ayaw niyang maging pabigat kay Alvaro. Hindi na sila mag-asawa at wala na itong responsibilidad sa kanya. Isa pa pag lumala ang sakit niya ay hindi na siya makakapag trabaho sa mansyon. Kahit alagaan ang anak ay hindi na niya magagawa pa. Iksaktong isang linggo ng magpasya siyang lisanin ang mansyon. Itinaon niya na wala si Alvaro upang may dahilan siya na hindi makapag paalam. Sapagkat ang totoo ay hindi niya kayang lapitan ito upang sabihin na aalis na siya. “Ma’am Janeth, bakit ka aalis at iiwan si Mateh Jane?” “Manang Lourdes, kailangan ko po iyong gawin. Hindi magtatagal ay hindi ko na rin kayang magtrabaho o alagaan pa ang anak ko. Aya