AGAD na lumapit ang bodyguard niya upang gawin ang utos niya. Habang siya ay nakatayo lang sa gilid ng bintana. Sinimulan alisan ng tali ang kamay ng dalawang babae. Ngunit nabigla si Alvaro sa sumunod na nangyari. Dalawang magkasunod na sipa ang tumama sa katawan ng babaeng ikinulong niya sa private room. At uulitin pa sana ni Janeth o Ashyanna na muling sipain ito. Kaya hinarangan na niya. Samantala makikitang takot na takot ang babaeng nag sumiksik sa gilid ng wall. “Enough!” saway niya ng muling aambahan ang ni Janeth o Ashyanna ang babae. Pero siya ang binalingan at sinuntok nito. Mabilis niyang naiwasan iyon pagkatapos agad na nahawakan ang magkabilang braso nito.” “Ibalik nyo ang tali sa kamay ng babaeng ito.” “Papatayin kita, b*tch! Napaka sinungaling mo!” nagwawala sa gali