HUMARAP sa kanila si Chairman JC, kaya agad naghintay sila ng sasabihin mula dito. “Kami na ang bahala sa bata, doon na kayo sa silid na para sa kanya. May mga kailangan lang kaming suriin.” wika ni Chairman JC, katabi nito ang asawa na si Lola Pauline. Pediatrician ito at hanggang ngayon ay doktor pa rin doon. Pero limit na lang ang pasyenteng tinatanggap nito. Malalapit na kaibigan at pamilya lang ang iba ay tinataboy na nito sa ibang mga doktor. “Mommy daddy, uuwi muna ako sa mansyon.” “Dalhin mo dito ang totoong ina ng bata nais namin siyang makita. Isa pa dapat pag gising ni Mateth Jane, nasa tabi niya ang kanyang ina.” “Opo.” kahit ayaw niya ay hindi na lang siya nagreklamo. Para sa anak niya ay gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang kalagayan nito. Pagdating niya sa ma