NANG maging stable ang kalagayan ni Mateth Jane, inuwi na ni Alvaro sa mansyon ang anak. Nag-file siya ng leave sa trabaho upang hindi mawaglit sa mga mata ang anak. Ang kaso ni Ashyanna ay patuloy na umuusad. Magaling ang abogado nito kaya naman na gawa pa rin lusutan ang unang hearing. Pero nangako si Atty. Buenaventura, ang kasunod na hearing ay huli na. At sana nga ay matapos na ang kaso. Dahil ang kanyang focus ay nasa anak na si Mateh Jane. Wala siyang idea sa sakit nito kapag umatake. Ayon sa ama sobrang hirap ang dinadanas nito noon kapag umatake na ang sakit. Kaya sa bawat sandali hindi mapalagay si Alvaro. Laging puno ng takot at pangamba para sa anak. Kapag narinig niyang umiiyak ang anak ay agad niya itong kukunin. Kahit sa pagtulog ay sa dibdib niya natutulog ang anak.