HINDI namamalayan ni Matteo kung gaano na siya katagal sa sahig na inuupuan. Naririto siya sa harap ng pintuan ng silid na kinaroroonan ni Roseanne. Ngunit hanggang sa mga oras na yon hindi ito lumalabas. Basta hindi siya aalis doon ng hindi sila nag-uusap. Aminado siya na nasobrahan ang galit niya kaya kung ano-ano na lang ang nabitawan salita. At pinagsisihan naman na niya lahat yon. Kaya nga gusto niyang makausap si Roseanne upang humingi ng tawad dito. Pero ayaw naman siyang pakinggan at itong mga pinsan ng asawa niya. Nakikita niyang parang tuwang tuwa pang nangyayari sa kanilang mag-asawa ang ganun. “Matyaga ka rin pala, kahapon ka pa diyan. Alam mo, Montemayor kung ako sayo umuwi ka na sa inyo. Hindi yan lalabas ng silid kahit gaano ka pa katagal maghintay diyan.” “Hindi niya p