Chapter- 52

1742 Words

NAIINIS si Roseanne sa pagsunod sunod sa kanya ni Matteo. Laging ganito ang lalaking ito. Pero ngayon hindi na niya hahayaan na papaniwalain ang sarili sa salita nito. “Roseanne, may bisita ka.” “Sino daw, Kuya Cyn?” “Si Jags, puntahan mo na naroon siya sa lanai.” tumayo si Roseanne mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Binitawan ang kanyang cellphone at nagmamadaling bumaba. Ngunit napahinto siya ng maramdaman ang presensya ni Matteo. “Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin ha? Lubayan mo nga ako!” binilisan ni Roseanne ang lakad ngunit ganun din ang ginawa ni Matteo. Hindi ito nagsasalita pero kahit saan siya magpunta ay kasunod niya. “May bago ka palang doggy, anong pangalan niya pinsan?” lumingon si Roseanna sa nagsalita at nakangiting mukha ni Fyi ang bumungad sa kanyang mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD