LAHAT sa hapag kainan ay masaya at nakangiti maliban kay Blackie. “Apo, hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain at hindi ka kumakain?” tanong ni Lola Nica Angelic. Saka pa lang kumilos si Blackie at nagsimula ng kumain. Pero obvious na hindi halos malunok nito ang kinakain. Si Gray hamm, hanggang sa mga oras na yon ay hindi maka-relate. Bakit halos humaba ang nguso ng Kuya Blackie niya sa pag simangot. Samantalang ang kanyang Kuya Brownies ay ngiting ngiti. Hanggang lumipas ang halos kalahating oras. Hindi pa man lang tumatayo ang abuela at abuelo mula sa hapag kainan. Inunahan na ni Blackie. Sinundan naman agad ni Brownies ang kapatid. Kahit natatawa siya sa kakambal ay hindi maiiwasan mag-alala dito. Ang dalawang kapatid niya ay walang girlfriend. Hindi sa takot ang mga ito sa babae