NANG sumunod na araw umaga pa lang nasa balkonahe ng silid na kinaroroonan si Alvaro. Ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman para kay Janeth? Hanggang sa mga oras na yon hindi pa rin niya mabigyan ng tamang kasagutan. Nakarinig siya ng mga katok mula sa pintuan. Iniwan ang balkonahe at pumasok ng silid. Tumungo sa pintuan at binuksan iyon. “Tinatawag ka ng lola mo.” Ani ng mommy niya. “Sige po susunod na ako.” “Bilisan mo at aalis yata sila ng lolo mo.” Tumango na lang siya bago nagmamadaling pumasok sa banyo. Mabilis siyang naligo, nahihiya siyang humarap sa abuelo at abuelo na hindi naligo. Summer kaya tanging t shirt at short ang suot niya ng bumaba para puntahan ang mga ito. Malayo pa lamang siya ay kumakaway na ang abuelo. Nang makalapit siya ay agad humalik sa abuela at n