NAKAMASID lang si Apollo sa kanya at hindi nagsasalita. Ganun pa man alam niyang hinahayaan siya ng kapatid upang ilabas ang galit na nararamdaman. “Kaya pala bigla ang pagbabago niya. Talagang anak pa ni Vice Governor ang pinatulan niya. At ang tarantadong yon, hindi ba niya alam na kaya lang nanalo ang ama niya noong huling elections. Dahil sa mga Montemayor? Alin kung hindi siya hinawakan ng pamilya natin baka kahit kalahati ng boto ay wala siya.” “Ayaw kong pagdudahan ang asawa mo, Kuya Brownies. Pero may kakaiba sa kanya, napansin ko ilang buwan bago pa ang araw ng elections.” “Anong ibig mong sabihin na may kakaiba sa asawa ko?” “Sa totoo lang si Gray hamm ang unang naka pansin. Hindi naman siya dating ganyan. Noong kinasal kayo hanggang tatlong taon ay wala kaming maipipintas s