KATATAPOS lang ng dinner nang tawagin si Brownies ng kanyang ina. Sumunod siya dito at sa hagdanan sila dumaan. Inalalayan niya ito habang paakyat sila sa mataas na hagdan. “Son, ano itong nabalitaan ko na hindi mabuti ang pagsasama ninyo ni Janeth. Anong problema ninyong mag-asawa?” “Wala po mommy, normal lang naman siguro ang tampuhan ng mag-asawa?” “Anak, sa akala mo ba malilihim sa daddy mo ang totoong nangyari sa inyo?” “Sorry po, mommy. Pero ginagawa ko po ang lahat upang mag work ang married namin.” “Ano ang totoo may babae ka ba?” “Wala po mommy, kahit minsan hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na yon?” “Kung ganun ano ang main reason ng hindi ninyo pagkakaunawaan?” hinila siya ng ina sa loob ng silid ng mga ito. Naroon si Daddy at busy sa harap ng laptop. Matapos isara ng