3-YEARS LATER. “Ready ka na, Princess?” “Huwag mo akong tinatawag na prinsesa, Kuya Don, si Ate Florida lang yon.” “At bakit hindi ay prinsesa ka naman talaga ng mga Del Fierro, huh!” dinulo pa ng pinsang si Don ang kanyang buhok. “Ano ba yan, bakit ba laging buhok ko ang pinag diskitahan nyo?” “Bakit kasi kulot ka baby Angelica?” nakasimangot na siya sa pinsang si Nat. “Hindi na ako baby! Sinabing huwag mo akong tawagin na ganun. Naalala ko lang ang anak ko na namatay.” “Sorry na, sweety, huwag ka ng malungkot. Darating din ang oras na magbabayad ang pumatay sa aming pamangkin.” wika ng pinsang si Fyi.” “Huwag na ninyong isipin ang gumanti, wala din naman mabuting bunga. Hindi na rin babalik ang buhay ng anak ko. Sa ngayon gusto kong magsimula sa bagong kabanata ng buhay ko.” “Pa