DUMATING sa bansa si Matteo kasama ang kanyang driver bodyguard na si Arvin. “Maligayang pagdating sa ating dalawa, Boss Matteo.” malapad ang ngiti ni Arvin. “Loko, bilisan mo na riyan at gusto ko ng makauwi ng bahay.” “Baka si Misis ang nais mong makita, Boss Matteo?” “Tigilan mo ako baka wala na rin yon dito sa bansa. Narinig mo naman na ilang beses nag-file ng annulment paper. Talagang kating kati na hiwalayan ako.” “Paano pala kung may asawa na siya, Boss Matteo?” “Papatayin ko ang lalaking pinalit niya sa akin.” “Ewan ko sayo, Boss Matteo, para naman kaya mong gawin ang bagay na yon sa taong wala naman mabigat na kasalanan.” “Ayon na ang mga bag natin.” turo ni Matteo, sa dalawang backpack nila. Yon lang ang tanging dala niya mula sa tatlong taon Training. “Boss, dito ka lan