THIRD PERSON'S POV "Nagsimula ang lahat nang makilala ni Marcel ang anak ng senador na si Erica Fajardo sa isang bar sa Pasay noong nakaraang taon, October 22. The Fifth Glass ang pangalan ng bar," pagsisimula ni Bogart. Tahimik namang nakinig ang mga agent sa harapan niya. Isa ring digital voice recorder ang naka-set up sa ibabaw ng mesa upang ma-record ang lahat nang isasalaysay nito. "Birthday noon ng isa sa mga kaibigan namin, si Tolits," muling salaysay ni Bogart. "Nagyaya siya na mag-bar kami sa Pasay kaya bumiyahe kami ng hapon mula dito sa Laguna hanggang doon. Alas diyes na kami nakarating dahil naipit pa kami sa traffic... Nag-inum kami, sumayaw at nakakilala ng ibang mga kabataan na tulad namin... Doon din nakilala ni Marcel si Erica. Pareho nilang tinanggi na may mga karelas