Rhodora Sandali rin siyang natigilan nang makita ako, pero nagpatuloy din sa paglalakad. Palipat-lipat siya ng tingin sa amin ng ninong niya. Muli akong huminga ng malalim at pilit pinakatatagan ang loob ko. Di nagtagal ay nakarating na siya sa harapan namin. Naupo siya sa isang silya na nasa kabilang mesa. Mas malinaw ko na ngayong nakikita ang mga pasa at bangas niya sa mukha at mga braso. Halatang pinahihirapan na siya ngayon dito sa kulungan. Nangingitim na rin ang palibot ng kanyang mga mata. Mukhang hindi na rin siya nakakatulog. Ilang segundong nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa, at walang nagtangkang magsalita. Ni wala akong makitang pagsisisi sa kanya o kaunting guilt man lang. Talaga nga yatang hindi niya ako minahal kahit na kaunti man lang. Maya-maya'y bumaba ang p