Rhodora Nagising ako na nasa malambot ng kama at silid na hindi pamilyar sa akin. Bigla akong napabalikwas at napalingon sa buong paligid. Magkahalong kaba at paghanga ang naramdaman ko dahil sa mga nakikita ko. Malaki ang silid at halatang mamahalin. Napakakintab ng sahig na kulay kahoy. May chandelier sa kisame, at puting-puti ang mga kurtinang mahahaba at malalaki. May malalaking painting sa dingding, at kasangkapan na mukhang mamahalin din. Nasaan ako? Paano ako napunta rito? Nananaginip ba ako? Sa pagkakaalala ko ay nasa kotse ako ni Skyler at bumibiyahe kami patungong Maynila. Tinapik-tapik ko ang pisngi ko, at umaasang magigising ako mula sa panaginip na 'to. Pero ramdam ko ang hapdi. Totoo. Gising ako. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Isinuot ko ang napakagandang pambahay n