CHAPTER 02: A Mission I Cannot Fail

1897 Words
Empress "You knocked him down?" Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang tanong na 'yon. Alam kong hindi 'yon isang simpleng obserbasyon lang. Hindi lang siya nagtataka—he was intrigued. Tila binabasa niya ako gamit ang titig niya, at sa loob lamang ng ilang segundo, pakiramdam ko'y para na akong hinuhubaran ng mga mata niya. Then, he moved. Hindi ko namalayan kung paano, pero bago ko pa maiproseso ang nangyayari, bigla niya akong hinila palapit. Isang mabilis na galaw lang—at naglapat ang mga katawan naming dalawa. Napapitlag ako at hindi kaagad nakagalaw. s**t. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Mabango siya. Isang masculine scent na may halong mamahaling whiskey at sandalwood. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako kinilabutan. Kundi ang presensya niya mismo. Hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ko. Nakatingala lamang ako sa kanya, ang mga kamay ko ay awtomatikong napahawak sa matigas niyang dibdib. Samantalang ang mga braso niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Lumalim ang ngiti niya. He was enjoying this. "You're quite ... something," bulong niya kasabay nang bahagyang pagyuko niya sa mukha ko. Halos gahibla na lamang ang pagitan ng aming mga mukha at nalalanghap ko na ang mabango at mainit niyang hininga. Napasinghap ako, pero mabilis ko rin itong itinago. No, Empress. Hindi ka dapat patinag. Mabilis kong binawi ang baywang ko mula sa hawak niya at lumayo ng bahagya. Abala pa rin ang lahat sa pagsasayaw. Ang lalaki kanina ay bumangon na at muli sanang lalapit sa akin, ngunit napatingin siya kay Shield at mukhang nahintakutan kaya agad ding umatras. Ngumiti ako—isang matamis ngunit mapanuksong ngiti habang nakatitig kay Shield. "I take that as a compliment," sagot ko, habang pilit pinapantayan ang energy niya. Tumawa siya—isang mababa at mapanganib na halakhak. "You should." May kakaiba sa paraan ng pagtitig niya. Para bang may nakita siyang bago. Isang bagay na nagbigay ng bagong interes sa kanya. At hindi ko gusto 'yon. Dahil sa gabing ito, ako dapat ang nagmamanman sa kanya. Pero ngayon... mukhang ako ang nahuli sa patibong. Agad na rin akong lumayo sa kanya, ngunit ramdam ko pa rin ang paghabol niya ng tingin sa akin. Minabuti ko nang lumabas ng bar at magtungo sa motorsiklo ko na nakatago sa liblib at madilim na bahagi ng paradahan. Mabilis kong isinuot ang black leather jacket ko. Dinampot ko ang helmet ko. Natanaw ko naman siyang lumabas din ng bar at tumingin-tingin sa paligid. Looking for someone. Looking for me. Napangisi na lamang ako. Tuluyan ko nang isinuot ang helmet ko at sinakyan ang motorsiklo ko. I twisted the throttle, the engine roaring to life beneath me. The vibrations hummed against my skin, a familiar rhythm, a silent promise of escape. Pero bago ko pa man maituloy ang balak kong pag-alis, muling napako ang tingin ko sa kanya. At nakita kong nakatanaw na rin siya sa kinaroroonan ko. Marahil ay naagaw ng tunog ng motorsiklo ko ang atensyon niya. Nagtama ang aming mga mata sa kabila ng visor ng helmet ko. Kahit na may distansya sa pagitan namin, ramdam ko ang lalim ng tingin niya—matulis, mapanuri, na para bang alam na niya kung sino ako, na siyang hinahanap niya. Isang mabagal na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, na siyang lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim. "See you soon, Mr. Shield Montgomery," bulong ko sa sarili ko. Agad ko na ring pinaharurot ang motorsiklo ko palayo sa lugar. Umalingawngaw ang ugong nito sa tahimik na lansangan, pero ang isip ko ay malayo sa daan. I couldn't forget what had happened inside the bar. The way she touched me, held me—how she had nearly kissed me. Hanggang ngayon ay nanonoot pa rin sa ilong ko ang kakaiba niyang bango. Ang mga mata niyang tila inaarok ang buong pagkatao ko, pati maging ang kaluluwa ko. Ang malamig at mapanganib niyang tinig na kahit bulong lang ay parang kaya akong idiin sa pader at ipako sa lugar. Napamura ako kasabay nang paghigpit nang pagkakahawak ko sa manibela. s**t. Hindi ako pwedeng madala. I was here for a job, for the mission entrusted to me. To uncover his true identity and find out if he had any connection to the Japanese syndicate members we were tracking. Mas pinaharurot ko pa ang motorsiklo ko. Hindi nagtagal ay nakarating din sa ako sa apartment ko. Pagod na ako para magtungo pa sa safehouse. I needed to gather more information before going there. Pagpasok ko sa loob ay agad kong hinubad ang jacket ko at isinampay sa armrest ng sofa. Tumunog ang isa sa phone ko. Agad ko itong inilabas sa bulsa ko at sinilip ang screen. I let out a deep breath when I saw the name of my youngest sibling—Emery. Agad ko rin itong sinagot, "hey, sis." Nagtungo ako sa kusina nang maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. "Hello, ate! I've been trying to call you for a while, but you haven't been answering." "Sorry about that. I was on the road earlier and just got back to my apartment. Kumusta kayo dyan? Kumusta sila Papa at Mama?" Nagbukas ako ng mga kaldero. "They're doing fine. I told them I'd call you to share my good news!" "Good news? What is it?" "Malapit na ang internship ko, at dyan sa Manila ako ma-a-assign, ate!" Napahinto akong bigla sa paghahalungkat ng pagkain. "Dito sa Manila? Bakit masyadong malayo? Saan exactly?" "Sa isang engineering firm sa Makati! I passed the screening, ate!" I smiled. I was proud of her, but I couldn't help but worry. "Wow, congrats! But are you sure you can adjust to it? That's quite a distance from home." "Of course! I'm excited. But ... can I stay at your place while I'm doing my internship?" Muli akong napahinto. Shit. Hindi siya pwede dito. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo kong trabaho, at magiging mapanganib din para sa kanya ang lugar ko. "Uh, Emery..." Nag-alinlangan ako habang mahigpit na hinawakan ang gilid ng counter. "Are you sure you don't want to stay in a dorm or a condo near your workplace instead? Mas magiging convenient 'yon para sa 'yo." "But, ate, it's so expensive! And besides, I feel safer with you." I clenched my jaw. If only she knew. Bumuntong-hininga ako ng malalim. "Emery, my apartment is too far from Makati. Ang transporation o biyahe dito sa Manila ay hindi katulad sa Lucena. You'll constantly get stuck in traffic, and I know how short your patience is. You might arrive at work already stressed and exhausted." "Then what should I do? The only reason Mama and Papa allowed me to go is because I’ll be staying with you." Muli akong huminga ng malalim. "Okay, ako na ang bahala sa tutuluyan mo. I’ll cover the cost, and I’ll just visit you there often. Iniisip ko lang din ang magiging sitwasyon mo dito dahil alam ko ang pasikot-sikot dito." "Okay, ikaw ang bahala. Pero kausapin mo sila Mama at Papa, para pumayag sila." "Got it. When are you coming here?" "The day after tomorrow!" I could hear the excitement in her voice. "Alright. I’ll sort out your place as soon as possible." "Thank you so much, ate! I’m excited!" Napangiti naman ako. "Just be careful on your way here, okay?" I reminded her as I leaned against the kitchen counter. "I will, ate! I'm looking forward to seeing you!" After a few more exchanges, we ended the call. I sighed, rubbing my temples. Problema ito. I am Empress Hardy, 25 years old, the eldest daughter of Emelio and Rowena Hardy. I was born and raised in Lucena City. Hindi naman kami mayaman, pero hindi rin mahirap—we live a comfortable life. My parents own a bamboo and rattan furniture business, which has been our family's primary source of income for years. Mayroon kaming malawak na taniman ng kawayan at rattan, kaya’t hindi na kailangang umasa sa ibang supplier para makuha ang pinakamataas na kalidad ng materyales sa paggawa ng magaganda at matitibay na furniture. Lumaki akong nakikita ang sipag at tiyaga nila sa pagpapalago ng negosyo—kung paano nila ginagawang obra ang simpleng kawayan at rattan upang maging mga de-kalidad na kasangkapan sa bahay at iba pang establisyemento. Because of that, I learned the value of perseverance, determination, and the true essence of being an entrepreneur. Pero wala sa pagiging negosyante ang buhay ko. I graduated with a degree in Criminology because I idolized my Uncle Emersen, who was once a police officer in Lucena. Panganay na kapatid siya ni Papa at naging malapit ako sa kanya simula bata pa lang ako. But he died when I was in 10th grade while saving my life. Dinukot ako ng mga kaklase kong lalaki noon at dinala sa gubat. Tinangka nila akong pagsamantalahan, pero bago pa nila magawa ang balak nila, dumating si Tito Emersen. Nilabanan niya ang mga lalaking dumukot sa akin, pero dahil armado ang mga ito, siya ang naging biktima. He protected me until the very last moment of his life. Duguan siyang nakahandusay sa harapan ko habang ako naman ay nangangatog sa takot at walang nagawa kundi umiyak. Mula noon, isinumpa ko sa sarili kong hindi ako kailanman magiging mahina ulit. Hindi ako papayag na may ibang maging biktima tulad ko—at tulad ng Tito ko. Dahil sa insidenteng 'yon, mas lalo akong nagdesisyong sundan ang yapak niya. Hindi lang bilang isang pulis, kundi bilang isang undercover agent—isang aninong gumagalaw sa dilim upang hulihin ang mga halang ang kaluluwa, kahit pa mangahulugan ito ng pagpasok sa mundong puno ng kasinungalingan at panganib. I am now a member of the Delta Organization, the third of three groups founded by General Vincent Parker. The first is Alpha, and the second is Beta. Ang Delta Organization ay ang pinaka-lihim at delikadong yunit sa tatlo. Kung ang Alpha ay nakatuon sa high-profile operations at ang Betha ay sa intelligence gathering, ang Delta ay isang grupong lumulusong mismo sa anino ng kriminalidad upang tapusin ito mula sa loob. For five years, I have been trained to become one of the best. I learned how to deceive, to lie, and to fight without fear. I am no longer the innocent and weak Empress Hardy I once was. Now, I am a warrior in a war unseen by most. At ngayon, may bago akong misyon—ang alamin ang koneksyon ni Shield Montgomery, isang pinoy businessman na hinihinalang may ugnayan sa Yakuza. Ang problema? Hindi lang basta tao si Shield. Siya ay isang halimaw sa balat ng isang mahinhing negosyante. Isang halimaw na may mga matang tila kayang arukin ang lahat ng baho sa loob ko. Kaya hindi ako maaaring magkamali. One wrong move, and it won’t just be my mission that fails—it could also cost me my life. Si Shield Montgomery ay hindi ordinaryong target. He is intelligent and cautious and has control over almost every move of the people around him. He doesn’t trust easily, and he is even harder to manipulate. But if there’s one thing I’ve learned in my five years as an undercover agent, it’s that no one is perfect. Everyone has a weakness. The question is … how do I find it? And more importantly, how do I use it against him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD