Empress
Sinimulan kong ituon ang sarili ko sa harap ng laptop habang sumusubo ng mainit at umuusok pang noodles. Pinindot ko ang ilang shortcut keys, binuksan ang ilang secure na database, at sinimulang halughugin ang anumang impormasyon tungkol kay Shield Montgomery.
Mula sa mga government records hanggang sa mga lumang balita ay inisa-isa ko ang bawat piraso ng impormasyong makikita ko. There were countless reports about his business—a successful entrepreneur, known for his sharp mind and impeccable reputation.
Ngunit alam kong sa mundong ginagalawan ko, ang pinakamalinis na mukha ang madalas may pinakamadilim na lihim.
Pinuntahan ko ang mga records ng kanyang pamilya.
Ang Montgomerys ay hindi pangkaraniwang pamilya. Hindi lang sila basta mayaman—sila ay may hawak ng isang imperyo.
Pag-aari nila ang napakaraming isla sa iba't ibang bahagi ng mundo, from Southeast Asia to the Caribbean. Ang ilan sa mga islang ito ay ginawang luxury resorts, while others remained private and inaccessible to just anyone.
Mr. Serafin Montgomery, the patriarch of the family, is the founder of Montgomery Global Resorts, a multibillion-dollar empire with branches in Japan, Thailand, Indonesia, the Maldives, the Bahamas, and Bora Bora. Kilala ito sa mga ultra-exclusive na resort na tanging bilyonaryo, royal families, at world leaders lamang ang may access.
His wife, Magdalene Lirio Montgomery, is a successful entrepreneur and fashion mogul. She is the founder of Selenah Intimates, a high-end luxury lingerie brand known worldwide. Ang kanyang koleksyon ay itinuturing na isa sa pinakamahal at pinaka-elegante sa industriya, na madalas makita sa mga fashion shows sa Paris, Milan, at New York.
Their daughter, Selenah Montgomery, a renowned international supermodel, is the primary face of Selenah Intimates. Siya rin ang endorser ng maraming luxury fashion at beauty brands sa buong mundo. Naninirahan siya sa Amerika at madalas makita sa mga red carpet events, magazine covers, at high-profile galas.
Mr. Serafin and Mrs. Magdalene have only two children. Si Shield Montgomery, ang panganay, na isang brilliant at ruthless businessman na siyang namamahala ngayon sa karamihan ng negosyo ng pamilya. At si Selenah Montgomery, ang bunso, na isang internationally famous model na naninirahan sa Amerika.
Bukod sa mga isla at luxury resorts, ang Montgomerys ay may iba pang negosyo na may kaugnayan sa hospitality at high-end lifestyle: Nightshade Lounges & Clubs, Isang chain ng high-end bars at speakeasies sa Hong Kong, Dubai, Paris, at New York. Exclusive para sa VIPs, na mga negosyante, pulitiko, at iba pang influential na tao.
Oblivion Private Auctions is an exclusive auction house specialising in the sale of rare artworks, vintage wines, and collectibles.
Midnight Cove Shipping & Trade, na Isang global shipping company na responsable sa pagdadala ng luxury goods at high-value commodities sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Celestine Grand Spas & Wellness, na Isang chain ng luxury spas na nag-aalok ng pinakamahal at pinakabagong rejuvenation treatments sa mundo.
Selenah Intimates, na Isang world-renowned luxury lingerie brand na pagmamay-ari ni Magdalene Montgomery, kung saan si Selenah ang pangunahing modelo.
Walang anumang kaso o kontrobersiyang direktang nag-uugnay sa Montgomerys sa ilegal na gawain. Sa mata ng publiko, sila ay isang perpektong pamilya—isang simbolo ng yaman, kapangyarihan, at prestihiyo.
Pero sa larangan ng imbestigasyon, alam kong minsan, ang pinakamagandang imahe ang may pinakamalalim na lihim.
At kung mayroon mang dapat pagdudahan ... sisimulan ko kay Shield Montgomery.
As I continued reviewing information about the Montgomerys, a new update appeared on one of the websites I had been monitoring—Selenah Intimates is hiring models.
I blinked, immediately shifting my attention to the announcement. Ang Selenah Intimates ay kilala sa pagiging sobrang exclusive sa pagpili ng kanilang mga modelo. Hindi basta-basta ang kwalipikasyon, at kadalasan, mga kilalang pangalan na sa industriya ng fashion ang kanilang kinukuha. Pero sa pagkakataong ito, mukhang nagbubukas sila ng oportunidad para sa mga bagong mukha.
"s**t! Is this my way in?"
Kung makakapasok ako bilang isa sa kanilang mga modelo, magkakaroon ako ng access sa mundo ni Magdalene at Selenah Montgomery—at posibleng makahanap ng lead patungo kay Shield Montgomery.
I quickly grabbed my burner phone and searched for details about the hiring process. According to the announcement, the casting call will be held in three cities: Paris, New York, and Manila.
Napangiti ako. "Manila."
This is my chance.
***
Sa mahimbing kong tulog ay muli akong dinalaw ng isang bangungot—isang bangungot na hinila ako pabalik sa madilim na bahagi ng nakaraan ko.
Nasa gitna ako ng isang masukal na kagubatan. Ang paligid ay balot ng kadiliman, ngunit mas madilim ang mga aninong nakapaligid sa akin. Sampung lalaki, lahat ay naka-uniporme—mga kaklase ko noon.
Wala akong laban. Nanginginig ang buo kong katawan sa matinding sakit. Ang sikmura ko'y ramdam pa rin ang bigat ng mga suntok na ibinigay nila. Ang anit ko'y mahapdi mula sa pagkakasabunot. Hindi ko na maalala kung ilang beses nila akong itinulak, pinatumba, at sinaktan.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa nila sa akin 'to?
Ngayon ay hawak nila ako. Mahigpit ang pagkakapit nila sa mga braso ko at pilit akong iniaangat mula sa lupa. Parang laruan lang ako sa kanila—isang basahan na maaari nilang balibagin kung kailan nila gusto.
"Wala ka na bang lakas, Empress?" may nanukso, ang boses niya ay puno ng pangungutya.
Narinig ko ang mga halakhak ng iba, malalalim at mabibigat, na tila nag-e-enjoy sa kahinaan ko. Sa panlalabo ng aking paningin ay nakita ko ang mga mata nilang puno ng pagnanasa.
May humawak sa aking baba at marahas na iniangat ang mukha ko.
"Tumingin ka sa amin," ani Tom, na halos nakadikit na ang mukha niya sa akin. "Dati, ang tapang-tapang mo. Pero ngayon? Isang pathethic na babae lang na walang magawa."
Sinimulan na nilang sirain ang uniform ko mula sa blouse ko hanggang sa palda ko. Hinawakan nila ang dibdib ko at hinimas, maging ang mga hita ko at iba pang parte ng katawan ko.
Gusto kong lumaban. Gusto kong sumigaw. Pero kahit ibuka ko ang bibig ko ay walang lumalabas na tunog.
Hanggang sa—
Isang putok ng baril ang pumunit sa katahimikan ng kagubatan.
Napatigil sila at nabitawan ako. Bumagsak ako sa lupa, na nanlalambot, at habol ang hininga.
At sa pagitan ng malabong paningin ko ay may isang pigura akong naaninag. Matikas na nakatayo at hawak ang baril.
Si Tito Emersen.
At sa gabing 'yon... sinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa akin.
Nagkaroon ng malalakas na putukan ng baril, na siyang nagpagising sa akin.
Bigla akong napabalikwas ng bangon, habol ang hininga at tumutulo ang mga pawis sa noo at leeg. Ramdam ko rin ang mabilis na t***k ng puso ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa paligid—nasa loob ako ng kwarto ko. Wala ako sa madilim na kagubatan. Wala sina Tom. Wala ang mga halakhak na bumabalot sa akin tulad ng isang malagim na anino.
Muli akong pumikit, at pilit na pinakalma ang sarili. “It’s over, Empress,” I whispered to myself. “You’re not there anymore. That was a long time ago. Some of them are dead, and the rest are rotting in prison now!”
But no matter how hard I tried to convince myself, the scars of the past remained etched into me. Napatingin ako sa gilid ng mga hita ko at pisngi ng mga s**o ko. Naririto pa ang mga pilat na dahilan ng mga paso ng sigarilyo nila.
With cold, trembling fingers, I traced them gently.
Years had passed, but the pain never truly faded, not just from my skin but from the deepest parts of me.
Napakapit ako ng mahigpit sa kumot. Hindi ko kailangang bilangin kung ilang pilat ang iniwan nila sa akin. Because even if they were gone, the wounds inside me would never fully heal.
Huminga ako nang malalim. Hindi ako bumangon mula sa impiyerno para lang manatiling nakakulong sa anino ng nakaraan ko. Isa-isa ko silang pinabagsak, at hindi pa ako tapos.
I glanced at the clock—3 a.m. I knew that even if I closed my eyes again, sleep wouldn’t come.
Kaya bumangon ako at tinungo ang maliit kong minibar dito sa silid ko at nagsalin ng tubig sa baso. Isa, dalawa, tatlong lagok—pero hindi nito naalis ang kirot sa dibdib ko.
Pinahid ko ang pawis sa noo ko bago nagtungo sa table ko. Muli akong humarap sa laptop. My real battle was in the present—with Shield Montgomery. At wala akong balak matalo.
***
Sumunod na araw ay maaga akong nagising upang paghandaan ang pag-a-apply bilang isa sa mga modelo ng Selenah Intimates. It was a bold move—a way to infiltrate Shield Montgomery’s world.
Matapos ang mabilis na ehersisyo at isang malamig na shower ay maingat kong pinili ang isusuot ko. Kailangan kong magmukhang karapat-dapat sa brand—elegante, tiwala sa sarili, at higit sa lahat, walang bahid ng takot.
Sa harap ng salamin ay pinagmasdan ko ang sarili ko. Ang babaeng nasa repleksyon ay wala nang bakas ng kahapon. Sa araw na ito, hindi ako si Empress Hardy, undercover agent. Ako si Empress Leigh, isang aspiring model na walang ibang pangarap kundi makapasok sa mundo ng high fashion.
At sa sandaling makapasok ako, sisimulan kong wasakin ang ilusyon ng perpektong pamilya ng mga Montgomery.
Lumabas na ako ng bahay. I chose to take a taxi to avoid any potential surveillance. I couldn’t afford to be careless—even the slightest move could attract the wrong attention.
Pagkaupo ko sa backseat ay binigay ko ang address ng Selenah Intimates Headquarters sa driver. Tahimik akong nagmasid sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang mga kalsada ng Maynila. I had to stay in character—Empress Leigh, poised and confident, free of tension or doubt.
Ilang minuto pa ay huminto ang taxi sa harap ng isang matayog at modernong gusali. Ang Selenah Intimates—isang fashion empire na kilala sa pagiging eksklusibo at maringal. Bago ako lumabas ng sasakyan ay isang ngiti ang ipininta ko sa mga labi ko.
This was my first step toward securing a position at Shield Montgomery.
I took a deep breath as I stepped out of the taxi. Bigla naman akong napatingin sa isang magarang kotse na paparating. Pumasok ito sa driveway ng gusali at huminto mismo sa VIP entrance. Agad bumaba ang isang matipunong bodyguard at binuksan ang pinto ng sasakyan.
At mula roon ay bumaba ang isang babaeng puno ng elegansya at kapangyarihan—Magdalene Lirio Montgomery.
Matangkad, may matapang na facial features, at nakasuot ng isang custom-made designer dress na lalong nagpapatingkad sa kanyang postura. Malamig ang kanyang ekspresyon, ngunit hindi maikakaila ang karismang bumabalot sa kanya.
Habang papalapit ako sa entrance ng gusali ay isang eksena ang agad na pumukaw sa atensyon ko. Isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie at may mabilis na kilos, ang biglang sumunggab sa designer bag na hawak ni Magdalene Lirio Montgomery.
Agad niya itong naagaw. Nagulat naman at napatulala ang ginang.
"Hoy! Magnanakaw!" sigaw ng isa sa mga tauhan niya.
Mabilis ang kilos ng lalaki. Tumakbo ito patungo sa direksyon ko.
Isang segundo lang ang inaksaya ko bago ko siya inunahan sa kilos. Agad kong iniharang ang paa ko sa daraanan niya—isang eksaktong low sweep kick.
Hindi siya nakapaghanda. Nadapa siya ng malakas, sapul ang mukha sa sementadong sahig, at gumulong ang designer bag palapit sa akin.
Marahan akong yumuko, kinuha ang bag, at tumingin sa kanya nang walang kahit anong emosyon. "Mukhang hindi mo pinag-isipan ‘to, kuya," malamig kong sabi bago ako tumayo nang walang kahirap-hirap.
Mabilis na sumugod ang mga security at tauhan ni Magdalene para dakmain ang lalaki. Samantala, lumapit naman ako kay Magdalene at iniabot sa kanya ang bag.
She looked at me silently as if studying me carefully. But instead of suspicion, there was a hint of impressed curiosity on her face.
“Impressive,” she said, taking the bag for a moment.
Ngumiti ako nang bahagya. "Nagkataon lang po na nasa tamang lugar ako sa maling oras, Ma'am."
Saglit siyang natahimik bago siya tumango. “What’s your name?”
“Empress Leigh, po,” I answered with a confident smile.
Muling lumitaw ang maliit na ngiti sa labi niya. “You seem to have a lot of guts, Empress Leigh. Come with me inside.”
Lihim akong napangiti.
Ngunit bigla rin akong napahinto nang makita kong bumaba rin sa kabilang pinto ng kotse niya ang panganay niyang anak, si Shield Montgomery na ngayon ay taimtim na nakatitig sa akin habang may bahagyang kunot na noo.
Muling bumalik bigla ang hindi pamilyar na bilis ng t***k ng puso ko habang sinasalubong ang mga mata niya.
Shit. He's here.