Empress
Inayos niya ang suot niyang coat habang nananatili sa akin ang kanyang mga mata.
Hindi ko maiwasang mapako sa titig niyang matulis, malamig, at puno ng hindi mabasang emosyon. Parang sinisiyasat niya ako mula ulo hanggang paa, at tila ba hinuhubaran ang katauhan ko gamit lang ang kanyang paningin.
Ilang ulit akong napalunok at hindi kaagad nakakilos sa kinatatayuan ko. Umikot siya sa unahan ng kotse hanggang sa makalapit na rin sa amin.
His eyes scanned me again from head to toe.
"You look innocent," he said, the corners of his lips lifting into a slight smirk, "but you're hiding speed and guts."
Fuck! Hindi niya ako pwedeng mahalata. Kundi, lagot na ang misyon ko.
"And you look familiar," dagdag pa niya na siyang mas lalong nagpakaba sa akin. "Like I've seen you somewhere before, not too long ago... What was your name again?"
Darn it!
"E-Empress Leigh po," utal kong sagot. Hindi 'yon sadya. Sadyang 'yon ang lumabas sa bibig ko. f**k!
I'm a trained agent—fearless and sharp. But why the hell am I nervous around him? Ngayon lang ito nangyari sa akin, at hindi ako pwedeng magpatalo sa kung anumang nararamdaman kong 'to. Lintik.
"You two have met before, son? Where?" bigla namang tanong ni Magdalene habang nangungunot ang noo.
"I think so, Mom," agad na sagot ni Shield, na bagama't kalmado, iba pa rin ang hatid sa akin ng bawat salita niya at mga tingin niya. "Or maybe she just looks like the woman I ran into at the bar last night."
He turned back to me and stared.
"They're both beautiful and look innocent. But more than that, she moved fast. Took down the guy who tried to harass her." Muling gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi niya habang nananatili sa akin ang mga mata niya.
Shit. That means he did recognize my face. Holy f**k. This can't be happening.
"Is that true, dear? Ikaw ba talaga 'yon?" tanong naman sa akin ni Magdalene.
Ano'ng sasabihin ko? Damn it!
Lihim akong huminga ng malalim at inayos ang pagkakatayo ko ng tuwid sa harapan nila. Pinilit ko ring ngumiti.
"Ahm, opo, ako nga po 'yon, Ma'am, Sir." Yumuko ako ng bahagya sa harapan nila. "Nag-iisa na lang po kasi ako sa buhay kaya natuto akong maging independent. At dahil mag-isa lang din po akong nakatira sa apartment ko, natuto din akong maging handa at matapang kung sakali mang may mga taong manamantala sa kahinaan ko bilang babae... At kaya naman po ako naligaw sa bar kagabi, naghahanap ako ng trabaho. Sa isang karinderya lang po ako dati nagtatrabaho pero nagsara na sila. Hindi ko po masusuportahan ang lahat ng pangangailangan ko araw-araw kung hihinto lang ako."
"Is that so?" agad na tugon ni Magdalene. I immediately saw the sympathy in her eyes.
Ngunit hindi kay Shield, na inaasahan ko na. What I saw in his eyes was amusement as he watched me.
"Opo, Ma'am," nakayuko kong sagot. "At ang totoo po ay naghahanap pa rin ako ng trabaho hanggang ngayon at napadpad naman ako sa lugar na 'to."
Ngumiti si Magdalene hanggang sa mapansin ko ang pagmamasid niya sa buong hitsura ko. Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko habang lumilibot mula ulo hanggang paa ko ang mga mata niya.
"Honestly, you're beautiful ... kahit wala ka pang ayos. Turn around for me please," utos niya sa akin.
Agad ko rin naman itong ginawa. Ngayon pa lang ay parang nakakaramdam na kaagad ako ng tagumpay.
"Gorgeous." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang baywang ko mula taas hanggang sa balakang ko. "You've got a dangerously sexy shape. What do you think, son?"
Bumaling siya sa anak niya. Nagkibit-balikat naman ito.
"Hindi ba at mukhang kayang-kaya rin niyang ihilera ang sarili niya sa mga modelo natin?"
Hindi sumagot si Shield at nanatili lamang nakatitig sa akin, pero nababasa ko na ang pagnanasa sa kanyang mga mata.
"M-Modelo po?" kunwa'y tanong ko kay Magdalene kasabay nang kunwari ko ring pagkagulat. "K-Kukunin niyo po akong modelo, Ma'am?"
Agad namang ngumiti si Magdalene. "Why not? ... Maputi at makinis ang balat mo, at ang mukha mo—natural na kumikinang kahit wala kang make-up. Your eyes are expressive, your nose is well-shaped, and your lips are soft-looking and naturally pink." Sumulyap siya sa mga labi ko. "You've got this quiet elegance."
Dahan-dahan siyang umikot sa paligid ko na para bang isang talent scout na sumusuri ng bagong modelo.
"Katamtaman ang tangkad mo, na bagay na bagay para sa print at runway modeling—especially with the right heels. Your build is slender but feminine, and your curves are exactly where they should be. Maayos kang manamit at may disiplina sa pagkilos, katulad nang kahinhinan mo. Hindi halatang may tinataglay kang tapang at bilis."
Binigyan ko siya ng inosente at masayahing ngiti.
Muli siyang bumaling sa anak niya. "She's got potential, don't you think? With the right guidance and training, she could stand shoulder to shoulder with our professional models. Who knows, maybe even surpass them." Muli rin siyang bumaling kaagad sa akin. "Are you ready for a chance to shine, Empress? Ready to be something more? Hindi ka nababagay sa karinderya lang. Dito ka nababagay sa fashion world."
"Ahm, h-hindi po ako sigurado kung makakaya ko po ang ganyan, Ma'am." Ipinakita ko sa kanila na kunwari ay kinakabahan ako at nag-aalinlangan.
Muli naman siyang ngumiti. Hinawakan din niya ako sa magkabila kong balikat. "Don't worry, dear. It's normal to feel unsure at first. But you have something special. A gift that you probably haven't even fully realized yet. That's why I'm offering you this chance—because I see your potential... Tanggapin mo na ito dahil pambawi ko na rin ito sa 'yo sa ginawa mong tulong sa akin kanina na mahuli ang snatcher at mabawi ang bag ko."
"Napakabait niyo po, Ma'am. Kinakabahan po ako pero ... susubukan ko po."
"Ganyan dapat! Malakas naman ang loob mo, 'di ba? Kung kaya mo ang ibang bagay, ano pa 'to?" Hinaplos niya ang mga braso ko at tinitigan ako ng seryoso. "You don't have to know everything right now, Iha. Just take the first step. The rest will follow. And trust me, this is a gift, not just a job offer... Consider it a way for me to repay you for your quick thinking earlier. You saved me, and now, I want to give you the chance to shine. I believe you have what it takes."
"Salamat po ulit, Ma'am. Gagawin ko po ang best ko!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"That's right! So, pumasok na tayo sa loob. Ipapakilala kita sa mga tao sa team ko—stylist, photographer, at ang personal assistant ko. Para makapagsimula na rin tayo agad sa basic training mo. I want to see how you carry yourself on camera, and from there, we'll build you up."
Inakay na kaagad niya ako papasok sa loob ng gusali habang nakasunod naman sa amin ang anak niya at mga bodyguard nila.
"Ang totoo, naghahanap talaga kami ngayon ng mga bagong modelo—fresh faces, someone with a natural charm and presence. Hindi mo kailangang maging eksperto agad. What matters is how you connect, how you make people feel something just by being in front of them."
"Eh, ano po ba ang mga mino-model sa inyo, Ma'am?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na. "Pasensiya na po, hindi ko napansin ang nakasulat sa building niyo sa labas kanina. Naagaw po kasi ang atensyon ko kanina nong snatcher ng bag niyo."
"Okay lang 'yon. Pamilyar ka ba sa Selenah Intimates? A high-end luxury lingerie brand?"
"Mga bikini po?" Binigyan ko siya ng bahagyang gulat na reaction.
Tumawa naman siya. "Not just bikinis, sweetheart. We're talking about designer lingerie—exclusive pieces na gawa sa pinakamahuhusay na materyales, crafted with elegance and sensuality. It's fashion, not vulgarity. Art, not exposure."
Binigyan ko siya ng isang kiming ngiti.
Tinapik-tapik naman niya ako sa balikat habang patuloy kaming naglalakad. "But don't worry. We handle our models with the utmost professionalism and care. Everything is styled, lit, and presented tastefully. You won't be alone—a whole team will guide you... And I have a feeling you'll surprise even yourself. You've got that quiet fire in you... That rare kind of allure. 'Yong klase ng alindog na hindi pilit, pero damang-dama."
Muli akong ngumiti sa mga sinabi niya, pero hindi na ako sumagot pa.
Lihim na lamang akong napangisi.
I had already passed the first step—getting hired as one of their models. I was finally stepping into their world, at may chance na akong madiskubre ang tinatago nilang madilim na lihim sa pamilya nila.
Ang problema ko lang ay si Shield, kung paano ko matatakasan ang mga mapanuri niyang tingin sa akin.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbabalik ng tensyon sa katawan ko, lalo na't nararamdaman ko ang malalalim niyang titig sa akin mula sa likod ko. Bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko.
Hindi ito tulad ng mga misyon na dati ko nang hinarap. Mas mapanganib ito. Mas personal. Lalo na't pansin kong hindi umaayon sa plano ang puso ko.
Mukhang kailangan ko ng mahigpit na panali. s**t!
Hindi nagtagal ay narating namin ang isang maluwag na hallway na may mga glass wall sa magkabilang gilid. Sa loob ng bawat silid ay may kani-kaniyang set-up—isang studio na may malalaking ilaw, backdrop, at camera; isa pang silid na puno ng mga kasuotang halos puro lace at satin; at isa pa na tila isang glam room na may mga make-up artist at hairstylist na abalang-abala sa paghahanda ng isang modelo.
Pinilit kong magmukhang manghang-mangha habang iniikot ang tingin sa paligid. Pero sa loob-loob ko, isa-isa ko nang iniimbak sa isip ang layout ng lugar. Kung kailangan kong tumakas o mangalap ng ebidensya, alam ko na kung saan ang mga strategic points.
Bahagyang nauna sa paglalakad si Magdalene habang nakasunod naman ako sa kanya. Ngunit bigla akong napasinghap nang may isang kamay na bigla na lamang dumaklot sa kabilang pisngi ng pang-upo ko at agad pumisil doon.
Mabilis kong nilingon ang taong gumawa niyon, ngunit mukha ni Shield ang bumungad sa akin at sobrang lapit niya na kamuntik pa niya akong mahalikan. Sinadya niyang ibaba ang mukha niya sa akin habang nakatitig ng taimtim. Nalalanghap ko na ang mabango at mainit niyang hininga.
Bigla akong nanigas at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko, lalo na nang hawakan niya ako sa magkabila kong baywang. Samantala, sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang tuloy-tuloy na paglalakad ni Magdalene papalayo. At mukhang walang kamalay-malay sa ginagawa sa akin ngayon ng anak niya.
"S-Sir..." ani ko sa kanya. Bumilis ng husto ang t***k ng puso ko.
Pumisil ang mga kamay niya sa baywang ko hanggang sa maramdaman ko ang paglalakbay nila patungo sa balakang ko, pababa pa sa pang-upo ko.
"Ah!" napadaing ako nang bigla niyang hatawin ang mga ito ng palad niya. Napanganga ako habang sinasalubong ang mga mata niya. "S-Sir... a-ano pong—"
Sumilay ang mapanganib na ngiti sa mga labi niya. Ngunit pakiramdam ko ay malulusaw ako sa ngiting 'yon. "Lovely and more attractive than the other girls Mom finds on the street... Are you aware of the rules this family has for attractive models like you?"
Hindi ako nakasagot. Hindi rin ako pumalag. Ipinakita ko sa kanya kung paano ang maging mahina sa harapan niya. Hindi ako ito, pero 'yon mismo ang nangyayari sa akin ngayon nang dahil sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos, ngunit gumapang ito patungo sa batok ko hanggang sa hawakan niya ako doon ng mahigpit.
"Ah..." Muli akong napanganga nang itiningala niya ako at ngayo'y halos mag-isa na ang aming mga mukha.
"Do you know the one rule in this family?" he whispered against my lips. Halos nagpapalitan na lamang kami ng hangin sa aming bibig.
Nanatili naman akong tahimik habang nakatitig lang sa kanya.
"Once you're in, there's no turning back... You all belong to me," aniyang muli, bagama't bulong lang 'yon, pero halos mabingi pa rin ako sa mga salitang binitawan niya.
At nagulat na lamang ako nang bigla niyang kinagat ng malakas ang ibabang labi ko kasunod nang sunod-sunod niyang pagsipsip dito.
Halos mapugto ang aking hininga kasabay nang matinding panlalambot ng buo kong katawan.
Fuck!
What the hell is he doing?!