Empress
Pagkatapos niyon ay agad din niya akong binitawan, nilampasan at nauna nang sumunod sa kanyang ina.
Ilang segundo akong nakatulala lamang sa kanya habang papalayo. Para akong na-freeze bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, at higit sa lahat, kakaiba ang inihatid sa akin nang paghalik niya.
Parang nararamdaman ko pa ang mga labi niya sa akin. Nangangapal ito at parang namamaga ngayon. Pakiramdam ko pa nga ay may sugat. Hindi ko ito magawang igalaw. Nanatili lamang itong nakaawang. Kumakabog din ngayon ng napakalakas ang puso ko. At maging ang mga daliri ko'y nanginginig din.
At 'yong mga sinabi niya, alam ko namang gawain na niya 'yon sa mga kababaihan, maging itong kabastusang ginawa niya sa 'kin, pero tila hindi pa rin ako naging handa. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang lakas ng epekto niya sa 'kin.
"Empress Leigh, what are you still doing there?"
Bigla akong natauhan nang marinig kong bigla ang tinig ni Magdalene. I saw her standing in front of a door, looking at me. Her son was beside her, and he was also staring at me intently.
"Ah, n-nandyan na po, Ma'am," sagot ko. Agad ko nang inayos ang sarili ko at lumapit na rin sa kanila.
Ilang beses akong huminga ng malalim upang kumalma ang nagwawala kong puso at maging ang paninikip ng dibdib ko. Pinilit ko na lamang na hindi na tumingin pa kay Shield.
"Are you nervous?" Magdalene asked me as I finally got closer to them.
"Ahm, m-medyo po, Ma'am."
Ngumiti naman siya bago ako inakay muli sa likod. "That's normal at first, sweetie, pero kapag nakilala mo na ang buong team, magiging komportable ka rin. Don't worry, they’re all nice."
Tuluyan na kaming nakapasok sa isang malawak na opisina, kung saan may ilang staff na abalang nakaharap sa mga laptop at mood boards na punô ng mga sketch, tela, at polaroid shots ng iba't ibang modelo. I immediately caught the scent of perfume and freshly printed paper—a sign of a creative and high-fashion workspace.
May isang mahabang mesa sa gitna kung saan nakalatag ang mga sample ng bikinis—iba't ibang kulay, disenyo, at materyales that seemed to be pulled from a tropical dream. Sa mga pader ay may mga portrait ng mga naunang modelo ng Selenah, naka-frame, na parang mga art piece.
One portrait immediately caught my attention—a massive picture of Selenah Montgomery herself, the youngest daughter of Magdalene and Serafin Montgomery.
Ang laki ng portrait ay halos sumakop sa buong pader, at kahit hindi ko pa siya personal na nakikilala, dama ko agad ang karisma niya. Suot niya ang isang emerald-green bikini na kumikinang sa bawat anggulo, habang nakatayo siya sa baybayin na tila isang diyosa ng tag-init. Ang postura niya ay malakas, may kumpiyansa, pero may lambing din sa kanyang mga mata—isang kakaibang timpla ng fierce at feminine, na sa tingin ko'y bihira lang matagpuan.
“That’s Selenah, my youngest daughter,” ani Magdalene nang mapansin niya ang pagkakatitig ko doon. "Dahil sa kanya kaya naitatag ko ang Selenah Intimate Lingerie. She was our very first model, and she gave life to this brand. She became a symbol of strength, beauty, and a woman’s freedom.”
"Opo, nakikita ko na nga po siya sa mga magazine, billboards at kahit sa TV commercials," I replied with a smile. "Ang lakas nga po ng dating niya. Halatang nagmana po siya sa inyo." Muli akong bumaling sa kanya.
Hindi siya sumagot, at napansin kong parang bahagyang nabahiran ng pait ang ngiti niya. Itinago ko ang pangungunot ng noo ko.
"Parang ang anak niyo na rin po ang nagbigay ng iconic na imahe sa brand," dagdag ko.
Ngumiti naman siyang muli at tumango. “Yes, you’re right. Selenah made a strong impact in the industry. Pero hindi lang siya ang dahilan kung bakit matagumpay ang Selenah Intimate Lingerie. She may have been the first face of the brand, pero ako, ako mismo ang nagbuhos ng matinding pagod para mapalago ito. Pero gusto ko na maging inspirasyon din siya sa mga kabataang babae—na kahit saan ka man magmula, may lakas ka pa ring magtagumpay."
Muli akong napatitig sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba? Pero agad din akong ngumiti. "Kahanga-hanga po kayo, Ma'am. Napakagaling niyo po."
Bumaling din siya sa akin nang may ngiti. “Thank you so much, Empress. Come, I’ll introduce you to everyone.” Agad na rin niya akong tinalikuran at naglakad patungo sa gitna nitong silid.
Pumalakpak siya habang lumilibot ang paningin sa buong paligid. "Ladies and gentlemen!"
Bago ako sumunod sa kanya ay napalingon akong muli kay Shield, na ngayo'y nakaupo na sa isang single sofa, naka-de-kwatro, ang mga siko niya ay nakapatong sa armrest habang ang hintuturo niya ay naglalaro sa mga labi niya. Taimtim siyang nakatitig sa akin, na parang may iniisip na mas malalim pa kaysa sa mga mata niyang kayang bumasa ng kaluluwa.
Para niya akong hinuhubaran gamit ang tingin niya, at pakiramdam ko’y may kung anong mapanganib at mapusok na ideya ang naglalaro ngayon sa isip niya.
Agad ko sanang ililihis ang paningin ko, pero may isa pang bagay na humatak sa atensyon ko—a large and striking portrait behind him. Naroon si Shield sa larawan, nakatayo sa harap ng itim na backdrop, wearing nothing but boxer shorts. Ang liwanag ng kuha ay tumama sa bawat hubog ng kanyang katawan—malapad ang balikat, matikas ang dibdib, at bakas ang bawat hibla ng abs na parang inukit ng kamay ng isang artistang perpeksiyonista. Ang mga hita niya'y batak at maskulado, at kahit ang pagkakatayo niya sa litrato ay may halong kayabangan at awtoridad—isang lalaking alam ang kanyang lakas, at hindi kailanman magdadalawang-isip na gamitin ito.
Parang huminto bigla ang aking paghinga. Nahirapan akong ialis ang mga mata ko sa larawan niyang 'yon. I felt something strange. Admiration? Danger? Or simply an unexpected rush of emotion stirred by an image I never thought could affect me this way?
Ilang ulit akong napalunok at napabuntong-hininga ng malalim. s**t, Empress. This is not the right time to be distracted by those f*****g abs.
Muling bumaba ang paningin ko sa totoong Shield na nasa harapan ko. One corner of his lips was already lifted, clearly amused by the reaction I had to his damn photo.
"Empress, come here."
Naagaw lang bigla ang atensyon ko nang muli akong tawagin ng kanyang ina.
Agad akong nagbawi ng tingin sa kanya, at pasimpleng ipinilig ang ulo ko upang kalimutan siya sandali. Humakbang ako palapit sa kanyang ina na may nangangatog na mga tuhod.
Fuck! 'Wag kang magpa-apekto sa kanya, Empress! Hindi ikaw 'yan!
"I'd like you to meet our newest model—Empress Leigh," turan ni Magdalene.
Biglang huminto ang lahat sa mga ginagawa. Lahat ng mata ay nakatuon na sa akin—lalo na ang mga stylist, photographer, at production staff. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Bilang isang agent, nakasanayan ko na ang gumalaw sa dilim, magkunwaring hindi totoo, at magtago sa anino. Pero ngayon? Wala akong suot na prosthetic mask o alias—ako ito, si Empress.
"Hello po sa inyo," mahinang sabi ko. Hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil hindi ito ang battlefield ko. Pero ginamit ko ang pagka-ilang ko para magmukhang mahinhin—isang estratehiya pa rin.
Some smiled back, while others began whispering among themselves.
I even heard one say, “Newbie? But she’s got that aura. That presence. Feels... dangerous.”
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Hindi ako pwedeng bumagsak sa paningin nila. Lalo na’t hindi ko alam kung sino sa kanila ang tunay na tao… at sino ang posibleng may koneksyon kay Shield.
"She'll be working closely with our core team," dagdag ni Magdalene habang nakangiti sa paligid. "I want all of you to assist her the way you would Selenah."
"Welcome to the team, Ms. Empress," isang bakla ang sumagot. “I’m Gerald, head stylist. Let me know if you need anything—wardrobe, fittings, or even a little beauty hack.”
Nakangiti akong tumango. "Salamat po."
"Shield, son, samahan mo si Empress sa orientation shoot mamaya," bigla namang sabi ni Magdalene sa kanyang anak habang nakatingin doon sa may likuran namin kung saan naroroon ang anak niya. "Gusto ko kayong makita together sa frame."
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa huli niyang sinabi.
What? Siya? Makakasama ko sa orientation shoot?
Pakiramdam ko'y may sumabog na fireworks sa utak ko—hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa alarma. Together sa frame? Ibig sabihin, magkaka-eksena kami. Magkakatabi. Magkakadikit. At base sa mga shoot na nakita ko sa Selenah Intimates… madalas, malapitang kuha. Minsan pa, parang magkasintahan sa init ng tinginan at yakapan.
Fuck!
Bago pa man ako makapagreklamo ay narinig ko na ang pagtikhim ni Shield mula sa likod. Tuluyan na akong napalingon sa kanya—nakatayo na siya ngayon at papalapit na sa amin, mabagal ang bawat hakbang na para bang sadyang inaabot ang bawat segundo.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Diretso. Walang kurap. At parang gusto niyang tunawin ang buong kaluluwa ko sa pamamagitan ng mga mata niya.
“Sure, Mom,” he said with a smirk. “I wouldn’t mind working… closely.”
Napakagat-labi ako habang nakatitig sa mga labi niyang may pilyong ngiti.
Tangina talaga. 'Wag kang magpaapekto, Empress. He’s just a man. No matter how tempting those lips are, you can’t let yourself falter.
Ngunit bigla akong napasinghap nang hawakan niya ang baba ko at bahagyang iniangat habang ang isa naman niyang kamay ay nasa bulsa niya.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya. “You just have to follow my lead, Empress... You may be new here, but I won’t let you get lost in our world.”
Muli akong napalunok. Nagwala na namang bigla ang t***k ng puso ko sa dibdib ko. Bakit pakiramdam ko ay may iba pa siyang ibig sabihin sa huli niyang sinabi.
Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya. Mainit ang hininga niyang dumadampi sa pisngi ko. Ramdam ko ang tension, hindi lang mula sa paligid kundi sa mismong pagitan naming dalawa.
"I'll guide you," he whispered in a low voice. "Step by step. Pose by pose. And if needed, even in how you breathe—I’ll be there.”
Pinakawalan niya ang baba ko, pero nanatiling nakatitig.
"We’ll make them see what chemistry looks like," dagdag pa niya.
I swallowed hard. Damn it. I wasn’t sure if this was still part of the mission… or the devil’s game.
"See you at the shoot... partner," huling sabi niya bago siya tumalikod at lumabas ng pinto.
Pakiramdam ko ay naubusan na ako ng hangin sa katawan. Ramdam ko rin ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko, lalo na't nasa akin ang mga mata ng lahat.
Fuck.